AlDub Nation, muling nanggulat dahil umabot na sa one billion tweets ang #AlDub

Ni: Nora V. Calderon

MULING ginulat ng AlDub Nation (ADN) at Twitter world nang umabot na sa 1 billion tweets ang mga ginamit nilang hashtags ng AlDub.

Congratulations!  Hindi sila talaga nagpatalo simula nang i-post nila calling the fans for a one billion tweets na ang gagamitin nila ay everyday hashtag nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Any event ng dalawa, lagi itong may ‘ALDUB’ sa hashtag.  Kahit may solo event ang dalawa, may kasama pa ring AlDub hashtag.

Sa pagtatanong namin kung kailan sila unang naglabas ng hashtag ng ALDUB, noong first weeksary raw ng love team sa kalyeserye dated July 23, 2015.

Unang nagkita ang dalawa sa kalyeserye ng Eat Bulaga noong July 16, 2015.  Ang unang hashtag nila ay #AlDub1stWeeksary.

maine-and-alden

May Official AlDub Trendsetter sila na siyang nagbibigay ng hashtag bago 12:00 midnight na ginagamit nila from 12:01am to 11:59pm everyday.

More than one million ang tweets nila araw-araw.  Hanggang sa dumating  ang ‘Tamang Panahon’ ng “EB  na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan at nakapagtala sila ng more than 41 million tweets on that day, October 24, 2015.

Hanggang sa ngayon ay wala pang nakakatalo sa kanila kaya nabigyan sila ng Guiness Book of Records ng highest tweets in a day at hanggang sa ngayon wala pa ring nakakatalo sa Twitter ng AlDub.

Last Wednesday evening, December 12, nakaabot na ng 1 billion tweets ang AlDub hashtag na nag-coincide pa sa hashtag nila ng December 13, na #ALDUB178thWeeksary.

Binati at nagpasalamat na sina Alden at Maine sa ADN.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s