‘Otlum’, posibleng maging ‘dark horse’ sa Metro Manila Film Festival 2018

Ni:  Ricky Calderon

POSIBLENG ang Otlum ang maging dark horse sa darating na Metro Manila Film Festival 2018.

Siyempre pa, marami pa ang nagulat na napili ng MMFF Screening Committee bilang entry sa festival ang horror film na ito ni Direk Joven Tan.

Nainterbyu namin si Direk Joven sa grand mediacon ng Otlum na ginanap sa Play Hub located at Scout Madrinan at tulad ng kanyang winika nung announcement ng four remaining finalists, hindi niya inaasahan na mapipili ang Otlum.

Maraming beses na kasi siyang sumali sa MMFF pero ngayon lang siya pinalad na mapili ang kanyang entry.

“Masaya ako. Sinuwerte na makasama ang pelikula namin. Siyempre sumali ka sa isang contest. Dalawa lang naman ang pupuntahan niyan. It’s either mananalo ka o matatalo ka. Siyempre sumali ka, may intensiyon kang manalo. May intensiyon ka na mapili. Masayang-masaya ako,” pahayag ng first-time director sa MMFF.

Ano ang expectations mo sa pagkapili sa Otlum bilang festival entry?

“Basta matuwa lang ’yung mga laging nanonood ng traditional horror films na pampamilya at pambarkada, happy na ako. Wala akong expectations. Basta mag-enjoy lang sila,” sagot niya.

otlum-jovenricci

Kalaban ng Otlum sa festival ang Aurora mula sa Viva Films kung saan bida ang one-time MMFF Best Actress na si Anne Curtis.

Kumpara sa Aurora, masasabing “maliit” na pelikula ang Otlum.

What are your thoughts?

“Ibang horror naman ang sa kanila. Itong ‘Otlum’ naman ay masa ang dating, parang ‘Shake, Rattle & Roll’ while ang ‘Aurora’ ay tipong serious horror film. Sabi ko nga, mapiling lang kami sa walo, masaya na ako. Parang okay na iyon. Pero sana lahat ng entries ay kumita,” wika pa ni Direk Joven.

Bida sa pelikula sina Buboy Villar, Jerome Ponce, ang basketball star na si Ricci Rivero, Michelle Vito, Kiray Celis, Inigo Delen at ipinakikilala si Danzel Fernandez.

Para makuha ang perfect cast for Otlum, Direk Joven and his team did they research kung ang gusto ng market ngayon. Sino ba ang malakas ang following. Iyon ang naging basehan nila para buuin ang kanilang cast. Sino ba ang bagay sa character.

Ayon pa sa kanya, marami raw ang nagre-request na mapanood sa pelikula si Ricci Rivero, ang controversial former De La Salle player who will playing for UP next year.

“Hindi ko rin siya kilala noong una pero marami ang nagre-request for him. Nag-google ako and I found na marami pala siyang followers. Tapos pinuntuhan ko siya sa isang mall show. Hindi ko siya kilala kasi hindi naman ako mahilig sa basketball pero nalaman ko marami siyang followers sa Twitter.

“Tapos kinausap ko ang manager. Eh ang manager pala ay si Dondon Monteverde so madali na. Kaya mas madali ko siyang nakuha kasi dati ko naman kasamahan si Dondon,” dugtong pa niya.

Part ng isang barkada si Ricci at siya ang gumaganap na konsensiya ng grupo. Mabait naman daw at maayos magtrabaho ang baguhang actor. Pag na-train pa raw ito ay may potential itong maging mahusay na artista.

He is a natural,” wika pa ni direk Joven.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s