Ricci, naging vocal na fan ng KathNiel kaya inaakusahang manggagamit

Ni: Rose Garcia

DAHIL sa pagiging vocal ng cager na si Ricci Rivero na fan siya ng KathNiel, may ilang hindi yata naniniwala at inaakusahan pa ito na kesyo nanggagamit lang.

As usual, given na lagi sa ilang netizens ang mema lang o may masabi at makuda kahit ‘di alam ang totoo.

Siguro nga, hindi believable sa iba na sa status ni Ricci na isang hearthrob na maituturing sa basketball arena, e, heto’t vocal na nagsasabing isa siyang KathNiel fan tuwing matatanong kung sino ang mga hinahangaan niyang artista.

Lasalista mula High School then now, playing for University of the Philippines, pero aminadong may mga fan man siya, siya mismo ay isang fan ng KathNiel. In fact, High School pa lang si Ricci, nag-cameo na ito sa Wansapanataym kunsaan, si Kathryn Bernardo ang bida. Si Kathryn daw ang dahilan kaya siya napapayag.

Pero KathNiel daw ang gusto niya talaga, yung dalawa mismo at hinahangaan niyang talaga si Daniel Padilla. Kaya sabi namin kung sakali, magiging proud kaya siyang ipapanood sa dalawa ang 2018 MMFF entry niya from Horse Shoe Studios at sa direksiyon ni Joven Tan na OTLUM. 

Ang bilis ng sagot ni Ricci na oo naman daw at matutuwa talaga siya kung malalaman niya na mapapanood ng mga ito.

Ang alam namin, matagal na maraming kumukuha kay Ricci pero sa OTLUM lang siya pumayag. Natayming din nga na dahil galing siyang La Salle, may ruling na one year na hindi siya puwede pang maglaro.

Very grateful si Ricci na nagawa niya ang OTLUM dahil bukod sa nag-enjoy raw siya, excited ito na first movie niya ay MMFF entry na at feeling daw niya planned ni Lord lahat nang nangyari sa buhay niya.

Ito ‘yung from La Salle ay kinailangan niyang lumipat ng U.P. Kung hindi raw siguro nangyari yun, malamang na hindi siya nakagawa ng pelikula.

At dahil excited sa movie, sure raw na makikita siya sa MMFF parade at magti-theater tour simula sa Pasko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s