Maine, walang nilalabag na rules kaya ok lang makipagkaibigan kay Arjo

ni: Rose Garcia

ISA sa mga nagpapa-christmas party na talagang naa-appreciate namin ay ang Triple A at APT Films sa pangunguna na ng President nito na si Rams David.

Masarap sa pakiramdam na nakikita nila talaga yung mga nagiging “kaibigan” at sumusuporta sa mga projects at talents ng Triple A.

Sa naturang party, nakapag-update sa mga talents tulad ng Baes na patuloy na mapapanood sa Eat Bulaga, si Taki na nasa Japan ngayon at magiging part ng J-girl group pero mapapanood pa rin sa movie nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na may tentative title na Banal.

Si Jerald Napoles naman ay may sisimulang serye pagpasok ng January. Gayundin sina Baste.

Siyempre ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na in a few months ay ipapanganak na ang baby boy nila ni Dingdong Dantes, pero sure na mapapanood pa sa Sunday PinaSaya.  At sa January rin ang airing ng TVC nila ni Zia.

Habang kay Maine Mendoza, dito na natanong ng press si Rams. Yung isyu between Maine and Arjo Atayde.

maine-mendoza-arjo-atayde

As a manager, open naman daw si Maine sa kanya.

Aniya, “Oo naman, we know naman at sinasabi naman nila na lumalabas. And if you want to get to know each other, meet someone, hindi ba maganda na nakakausap mo siya, nakakasama mo siya?

“Normal na tao and if magiging okay kayo, kilalanin mong mabuti yung tao. Ang hirap naman na all of a sudden, sila.

“Mas masarap maging masaya for a person na masaya.”

Wala naman daw nilalabag na rules si Maine, kahit sa pagiging Triple A contract artist nito kung nakikita man na lumalabas ito with someone na sinagot na rin naman ni Maine na kaibigan niya.

Obviously, bongga ang buong taon ng 2018 na siguradong tuloy-tuloy lang. Sisimulan na ngayong sa 2018 MMFF na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s