RS Francisco, panalo bilang Best Actor sa 31st Aliw Awards

Ni: Throy Catan

STANDING ovation ang natanggap ng award-winning actor at Frontrow president na si RS Francisco last Thursday night. Marami ang natuwa sa natanggap niyang award bilang Best Actor (Non-Musical) sa katatapos lang na 31st Aliw Awards na ginanap sa The Manila Hotel sa Ermita, Manila.

Hindi naman katakataka na makuha ni RS ang award dahil sa magandang pagganap bilang Peking opera singer na si Song Liling sa Tony-Award-winning play na M. Butterfly.

Inamin ni RS na hindi rin madali ang pagganap niya kahit na ginampanan niya ito noong 90s, “Ginawa ko [ang M. Butterfly] dati. Nahirapan ako gawin ngayon kasi kinailangan kong ibahin ang aking karakter ko.” Sabi ni RS.

Taos puso namang pinasalamatan ang mga taong sumusuporta sa kanya at sa mga taong nanood ng nasabing play. “Maraming maraming salamat sa lahat ng nanood, at naniwala lalo na iyung mga tumulong sa akin. Siyempre, Jhett Tolentino, maraming maraming salamat… Iyung business partner ko sa Frontrow na si Sam Verzosa na pumayag akuhin lahat ng hiling ko dito sa M. Butterfly… maraming maraming salamat.

“Sa lahat ng bumubuo [ng M. Butterfly]… thank you so much for being part of it. Thank you so much. Sa aking Frontrow family, thank you so much.” Iyak ni RS.

Pagkatapos magpasalamat ay nangako si RS na marami pang events na ipo-produce ang Frontrow para marami pa silang matulungan na tao.

Kasama rin sa M. Butterfly ay sina Olivier Borten, Lee O’ Brian, Norman McLeod, Mayen Estañero, Rica Nepomuceno, Maya Encila, at Pinky Amador. Ang direktor ng dula ay si Kanakan Balintagos. Sa produksyon ng Tony Award Winner na si Jhett Tolentino at ang Frontrow Entertainment.

Sa mga hindi pa nakakapanood na taga-Iloilo ng M. Butterfly, good news dahil mapapanood niyo na ito sa SM City Iloilo sa February 14 to 17, 2019.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang M. Butterfly’s official Facebook page at ang M. Butterfly’s official Instagram account.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s