All-male boy band na Clique V, game na rumampa at nagdamit-babae

Ni: Rose Garcia

NAPAKABONGGA at halos tinalbugan yata ng Christmas party ng 3:16 Talents and Events ni Ms. Len Carillo ang ibang mga pa-Christmas party ngayon.

Bukod sa pagiging generous nito na lahat ng staff niya at pamilya ay present, naging highlight ng party ang pagiging sports ng Clique V boys na naglaban-laban sa pagiging Miss Bebot 2018 and as usual, humataw naman sa production number nila ang Belladonas.

Game na rumampa at nagdamit-babae ang siyam na miyembro ng tinitiliang all-male boy band na kinabibilangan nina Clay Kong, Marco Gomez, Kaizer Banzon, Sean de Guzman, Josh Mirabel, Karl Aquino, Calvin Almojuela,Gabby Villamor at Blaise Nicolas sa Ms. Bebot 2018 competition.

clique v1

Nagpakitang gilas sila sa national costume, casual wear at long gown competition at maging sa question and answer portion.

Waging Ms. Bebot 2018 si Blaise Nicolas, ang pinakabatang miyembro ng Clique V. Siya rin ang nanalo sa best in long gown at best in casual wear.

Tinanghal namang 1st runner si Kaizer Banzon na siya ring nag-uwi ng best in national costume award.

Pinangalanang 2nd runner up sl Sean de Guzman,3rd runner up si Marco Gomez,4th runner up si Karl Aquino at 5th runner up si Gabby Villamor.

Nakakapag-show na hanggang sa ibang bansa ang dalawang grupo at sana nga sa pagpasok ng 2019 ay mas humataw pa ang mga ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s