Maculcul River sa Zambales, sisimulan na ang rehabilitasyon; Dagdag pangkabuhayan sa mga Zambaleños

Ni: Throy Catan

SA wakas, matutupad na ang rehabilitasyon ng Maculcul River sa Zambales. Matagal na ito hinihiling ng mga taga-Zambales dahil makakatulong ito sa pag-unlad ng kanilang bayan. Mapapadali na ang pagbiyahe ng mga produkto mula Zambales, mapapabilis ang pagbiyahe kapag magbabakasyon (lalo na during peak season), at mabibigyan ng trabaho ang mga Zambaleños.

Kahapon, December 13, nagkaroon ng press conference San Narciso, Zambales kung saan inanunsyo ang pagsisimula ng rehabilitasyon ng nasabing tulay.  Ayon kay Milinia “Min” Nuesca, presidente ng Association of Zambales Quarry Operator, palagi raw lumulubog ang tulay kapag malakas ang buhos ng ulan. Nagsimula ito pagkatapos pumutok ang Mt. Pinatubo noong dekada 90s na nagresulta ng paipon ng lahar sa ilog.

“”Ang Maculcul River po, nung pumutok po ang Mt. Pinatubo, marami siyang binugang buhangin na pinababaw niya talaga ang ilog na iyan. Lagi na lang nilalagian ng flood control.” Sabi ni Milinia.

Sa tulong ng gobyerno at NGOs, naumpisahan na ang nasabing proyekto at pursigido si Ma’am Milinia na makakatulong ito sa kabuhayan ng mga taga-Zambales, “… We propose to the government to dredge it for free, at no cost to the government.”

“Dahil sa project na iyan, alam po namin na malaki ang maitutulong sa Zambales. So, sa tulong ng DPWH at DENR so nakakuha po kami ng permit para gawin po namin ito.

“For the benefit po talaga ng Zambales not only the flooding of course kundi na rin ho sa economy. Dahil magbibigay po kami ng maraming trabaho at magbabayad po kami ng tax. ‘Bakit libre na, magbabayad pa kami ng tax?’ Because ibebenta ho namin, at saan kami kukuha ang aming pambawi. But mas malaki po ang impact para sa Zambales at Zambaleño dahil po lahat po talaga ay makikinabang. Mawawala ang flooding, magbibigay po kami ng trabaho, and then iyun pong taxes na ibabayad din po sa gobyerno.” Deklara ni Milinia.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s