Kylie, pinakasalan na ni Aljur at walang naging pormal na annoucement

Ni:  Ruel Mendoza

KASAL na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Walang naging pormal na annoucement ang dalawa at basta na lang kumalat sa social media ang wedding nila na ginanap sa Villa Milagros sa Rodriguez, Rizal noong nakaraang December 11.

Christian wedding ang naging kasal ng dalawa at para raw si Virgin Mary si Kylie habang naglalakad ito suot ang bridal gown na gawa ni Mark Tumang.

Last week ay lumabas ang pre-nuptial photo at video shoot ng dalawa kaya hudyat iyon na malapit na silang ikasal. Pero walang ginawang pormal na pag-anunsyo ang dalawa hanggang sa mangyari na nga.

Fresh na fresh nga raw si Kylie sa araw na iyon at kitang-kita sa mukha nito na masaya siya sa nangyaring pag-iisang dibdib nila ni Aljur.

Napuno ng magagandang comments mula sa netizens ang naging wedding ng dalawa, lalo na si Kylie na isa sa pinakamagandang bride na taong ito.

Heto ang ilang comments: “Wow beautiful!”, “Stunning bride”, “Beautiful bride. Congratulations.”, “Omg! So magical talaga and so beautiful as always”, “Grabeng ganda”, “So stunning and gorgeous bride.”, “Wow. Looks like Crazy Rich Asian lang ang dating. “, “Very romantic”, “Congratulations to the newlyweds!”

January 27, 2017 noong mag-engage sina Kylie at Aljur.

August 5, 2017 noong ipinanganak ni Kylie via water birth ang baby boy nila ni Aljur na si Alas Joaquin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s