Jasmine at Manolo, naging memorable ang una nilang teleserye sa GMA-7; parehong grateful na naka-trabaho si Direk Joel

Ni: Rose Garcia

NGAYONG Biyernes na ang finale episode ng Pamilya Roces.

Hindi man nga siguro natalo ng Kapuso primetime show na ito ang katapat na programa, pero hindi raw makalilimutan ng cast ang seryeng ito.

Halos lahat ay may fondness memories sa pagkakagawa ng Pamilya Roces. Lalo na sa dalawang bagong Kapuso na unang proyekto nila ang show. Sina Jasmine Curtis Smith at Manolo Pedrosa.

Pareho raw silang grateful na Pamilya Roces nga ang naging una nilang show sa GMA at the same time, naka-trabaho si Direk Joel Lamangan.

Hindi raw matatawag ni Jasmine na natakot sila kay Direk Joel kaya on guard silang lahat sa set.

Pamilya-Roces-1

Aniya,  “Sa tingin ko po, hindi naman takot kundi more of lahat po kami may nasundan na work flow na na-establish ni Direk Joel. Saka, malaking bagay na rin po yung factor na gusto namin po yung work ethic ng isa’t-isa kaya po nagkasundo agad.

“I’m just glad na ang mga nakasama ko sa first show ko sa GMA were all capable actors and of course, Direk Joel Lamangan. The cast and director left the impact na kaya natin mag work ng efficient without time wasted.”

Sa parte naman ni Manolo, talagang very memorable raw sa kanya ang unang show niya sa network.

“Yung pagpasok ko sa GMA na bagong environment, hindi ko kilala lahat pero sobrang welcoming nilang lahat. Kahit yesterday na matagal akong nawala sa taping, yung bonding nandoon pa rin. And with Gabbi (Garcia) na first loveteam ko, naging kumportable ako agad sa kanya.”

Mamayang gabi na nga magkakaalaman kung ano ang magiging ending ng bawat karakter at kuwento ng tatlong pamilya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s