JK, pinagdiinan na walang makukuhang apology si Darren kaya ‘di pa tapos ang hidwaan

Ni: Ruel Mendoza

MUKHANG hindi pa rin matatapos ang hidwaan sa pagitan ng dalawang The Voice Kids Philippines alumnus na sina JK Labajo at Darren Espanto.

Sa isang event ay nasabi ni J.K. na wala siyang intensyon na palakihin ang issue nila ni Darren dahil hindi naman daw siya ang nagsimula nito.

Hangga’t maaari ay gustong umiwas ni JK sa anumang issue na hindi naman daw makakatulong sa kanyang career.

“The thing kasi with all these interviews, ilalabas ‘yung article, ‘yung mga tao and everything, mababasa nila, lalaki pa ‘yung issue.

“Well, even though in the first place hindi ako ang nagpalaki ng issue. I did not want an issue in the first place.

dareen espanto

“Kasi I privately messaged him. If ginusto ko ‘yung issue na lumaki, dapat ako pa nag-post nung una, ‘di ba?” diin pa niya.

Pinagdiinan din ng singer na walang makukuha sa kanyang apology si Darren dahil mali ang akusasyon sa kanya nito. Kapag nag-sorry daw siya, lalabas na meron siyang kasalanan.

“I don’t feel bad kasi I didn’t do anything.

“Kasi hindi naman ganun kakapal ang mukha ko para magsinungaling to the extent pati sa harap ng mga boss. You know what I mean.

“I will apologize if I did something.

“Well, iba-iba kasi ang paniniwala ng mga tao. Hindi ko na mababago ‘yun.

“So let it be. Ako, okay na ako sa issue. Tapos na ako. Even way back then, I chose a different path, you know,” pagtatapos pa ni JK.

jk labajo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s