Bagong libro ni Boy, buong pusong handog sa kanyang ina na may Dementia

Ni: Ricky Calderon

NAGLUNSAD ng kanyang bagong libro ang aming long-time friend na si Dr. Boy Abunda, Jr. sa Glorietta 1 Branch ng National Book Store noong Sabado.

His new book is titled Nanay’s Gay Boy published by ABS-CBN Publishing at ito ay buong puso niyang handog sa kanyang ina who is suffering from Dementia.

Ang nasabing event ay dinaluhan ng ilang celebrities like Kylie Versoza, Mark Bautista, Jasmine Curtis Smith, Sky Quizon, Ms. Angel Aquino, at RS Francisco who read excerpts from the book.

Ang libro ay compendium dalawang importanteng speeches na ginawa niya – featuring his ideas, arguments and statements tungkol sa LBGT pride, at ang kanyang espesyal na recollection at rebelasyon bilang isang anak.

“Two things come to my mind when my name is mentioned—that I am devoted to my mother and that I’m proudly gay,” isinulat ng Tonight With Boy Abunda host sa kanyang recent book.

Sa libro ay nagpahatid si Boy ng isang rhetorical question, “Why can’t we have a gay president?”

boy abunda-book

Wala naman daw nakasaad sa qualification para tumakbong president ng bansa na dapat ikaw ay straight guy os straight woman. Kailangan lamang one has to be a human being.

Ayaw rin niyang sabihin na ang isang gay person ay pwedeng maging mahusay na president. Kailangaw raw muna na maging bukas ang ating pag-iisip na tanggapin na pwedeng tumakbo for an elective position ang isang gay person.

“Pero kung paano niya iha-handle ang job bilang president, malalaman lang natin iyon kapag naging president na siya,” wika pa ni Boy na winika na wala siyang balak pumasok sa mundo ng  politics.

“We have some of the most passionate, some of the most driven, some of the most brilliant, some of the most transformative leaders in the LGBT community. One of them is just waiting in the wings, waiting for his or her turn to be the next president of this country,” pahayag pa ng bantog na TV host.

Makabibili ng kopya ng Nanay’s Gay Boy sa mga National Book Store at Powerbook branches for P395.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s