Maine at Coco, distant relative kaya hindi puwedeng ma-link sa isa’t-isa

Ni: Rose Garcia

REBELASYON talaga na malayong magkamag-anak pala sina Maine Mendoza at Coco Martin.

Nabanggit kasi sa ginanap na grand presscon ng 2018 MMFF entry na Jack Em Popoy The Puliscredibles na may chemistry ang dalawa at bagay rin sa trailer pa lang.

Pero binasag na agad ni Maine ang anumang romantic na ilusyon na puwedeng mabuo sa kanilang dalawa.

Sabi nito, “Una po sa lahat at para po sa impormasyon niyo, magkamag-anak po kami.

“Distant relative po kami.”

maine-jep

May family reunion daw sila sa Bulacan at sa paglaki-laking family tree raw nila ay nandon silang dalawa sa magkabilang lugar.

Nauna rin daw ang reunion nila bago ang pagkakagawa ng movie. Mga two weeks before their shooting, nag-reunion daw sila.

Kahit daw si Coco, nagulat na magkamag-anak sila. At tinanong daw niya ang lola niya at dun niya na-confirm.

Kasama rin si Arjo Atayde sa movie, pero wala ito sa presscon. Kaya si Maine ang napagtatanong ng press sa totoong namamagitan sa kanila na sinagot nito nang, “friends po kami,” huh!

Anyway, ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles ang isa sa star-studded na movie ngayong MMFF, with three of its lead stars ay talagang mga big stars kasama na si Vic Sotto.

Also stars in the movie are Mark Lapid, Ryza Cenon, Tirso Cruz III, Baste at Ryza Mae Dizon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s