Maine, nagsalita na rin sa pagkaka-link niya kay Arjo; nasa getting to know each other phase

Ni:  Rohn Romulo

NAGSALITA na rin si Maine Mendoza tungkol sa pagkaka-link niya kay Arjo Atayde na nakasama niya sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Na-corner nga ang Phenomenal Star pagkatapos ng grand presscon ng movie nila ni Bossing Vic Sotto at Coco Martin na offical entry sa Metro Manila Film Festival 2018 na mapapanood na sa December 25.

Hatid ito ng CCM Film Productions, APT Productions, at M-ZET Productions sa direksiyon ni Mike Tuviera.

“Friends kami,” maikling sagot ni Maine.

Nang tanungin naman kung nanliligaw na ba si Arjo.

“Hindi, friends kami, were going out as friends,” sambit niya.

arjo maine

Hindi naman itinanggi ni Maine na lumalabas talaga sila ni Arjo, dahil ilang beses na silang nakita at makunan ng litrato na magkasama.

“Getting to know each other phase.  Siyempre paano mo makikilala ang isang tao kung hindi kayo magsasama at mag-uusap?” paliwanag ni Maine.

May nag-follow na, “getting to know each other?

Tawang-tawa naman si Maine sa tugon niya, “Hindi niyo nga tinanong dito [sa question and answer], pero kinorner niyo naman ako!”

Kumusta si Arjo?

“Okay naman siya. Tanungin niyo siya,” mabili niyang sagot.

maine-jep

Ano naman ang nagustuhan niya sa binata?

“Ano ba ‘yan?” sabi pa ni Maine.

Samantala, hindi na raw pinapunta si Arjo sa press conference, dahil tiyak na matatanong sa isyu sa kanila ni Maine.

Nakita namin na nagkaroon naman Kapamilya Chat ng araw na ‘yun si Arjo kasama si Ria Atayde para sa promo ng kanilang unang pagsasama sa Maalaala Mo Kaya, na pinalabas noong Sabado nang gabi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s