Jackie Chan, inamin na naging waldas sa mga kinikita noon; hindi naging good father at good husband

Ni: Ruel Mendoza

SA nilabas na autobiography ng Chinese superstar na si Jackie Chan na Never Grow Up, inamin ng aktor na naging waldas siya sa kanyang mga kinikita noon.

Mga kinagastusan daw ng bongga ni Jackie ay ang ang pagsusugal at pag-hire ng prostitutes.

Mahilig din daw siyang magregalo ng mga mamahaling gamit sa kanyang mga kaibigan

“I started to carry large amounts of cash at all times. After you live in poverty, cash gives you a sense of security.

“I like having lots of people around me and every meal was with a big gang.

“Around 10 years ago, I spent $2 million paying for other people’s meals. I gave out extravagant gifts too; watches, cars, custom-made leather jackets, cases of expensive wine,” sey pa ni Jackie.

jacky chan 1

Dagdag pa ng 64-year old superstar, ang kanyang pagiging insecure noon at ang kanyang immaturity ang naging dahilan ng kanyang pabaya sa pera.

Naging bisyo rin daw niya ang magpakalasing at dahil dito ay dalawang luxury cars ang bangga niya sa isang araw lang.

“We all knew that if something went wrong, we wouldn’t live to see the sun rise the next day.We had a short-term mentality which means recklessly spending our money,” paliwanag ni Jackie sa kakaibang behavior niya noong biglang sumikat siya sa pelikulang Drunken Master in 1978.

Nasa libro rin ni Jackie ang pagiging “total jerk” niya sa mga tao sa paligid niya, lalo na sa kanyang asawa na si Joan Lin na ilang beses sinaktan dahil sa pambabae niya. Nasaktan din niya ang kanyang anak na si Jaycee noong toddler pa lang ito.

“I’ve not been a good father or a good husband but I did my duty to my son and his mother. I behaved so badly because of my deep insecurities. Ever since I was a little boy, I’d been looked down on by rich kids,” sey pa ni Jackie na inaming hindi siya marunong noon magbasa at magsulat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s