Ni: Rose Garcia
KASALUKUYANG palabas ngayon sa ilang sinehan nationwide ang Kahit Ayaw Mo Na mula sa VIVA Films, Blu Art Productions, Spark Samar at Saga Prefecture Film Commission.
Puwedeng sabihin na summer in December ang movie dahil maagang na-experience ng cast ang summer dahil sa kanilang location sa Samar. Nag-enjoy nga while shooting sina Empress Schuck, Kristel Fulgar at Andrea Brillantes na ma-experience ang pinakamasaya at pinaka-memorable na summer sa Samar.
Bukod sa movie, puwedeng may ma-hook din sa official soundtrack ng pelikula na may parehong titulo mula sa This Band.
Tungkol ito sa tatlong babae na mapipilitang harapin ang isang nakaraan… isang nakaraang babago sa kanilang kinabukasan habambuhay.
Muli rin nagbabalik ang writer at director ng mga romantic drama movies na Iliw at I Found My Heart in Santa Fe, na si Bona Fajardo sa kanyang pinakabagong pelikula na Kahit Ayaw Mo Na.
Anyway, ang leading man naman ni Empress dito na si Daniel Matsunaga ay nakausap namin kamakailan lang na parang any season ay summer basta nasa bansa ang girlfriend na si Karolina Pisarek dahil napaka-constant nila sa bonggang beach sa Palawan.