Sylvia, napasigaw at tumulo na lang luha nang mapanood sina Arjo at Ria

By:  Rohn Romulo

SOBRANG happy ni Sylvia Sanchez dahil natupad na rin ang isa sa wishes niya na mapanood ang mga anak na sina Arjo at Ria Atayde sa isang show.

Ngayong Sabado nga, mapapanood na ang magkapatid sa unang pagkakataon sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN 2.

Siguradong nakakaiyak at nakaka-inspire ang mapapanood na base sa story ng environmentalists na sina Armin at Rosedel Marin

Lumipad pa sila papuntang Sibuyan Island, Romblon para doon kunan ang mahahalagang eksena at mula sa direksyon ni Giselle Andres.            Sobrang proud at tuwang-tuwa nga si Sylvia na sa kanyang post sa teaser ng MMK, na kung saan napasabak talaga sina Arjo at Ria sa matinding dramahan.

Ayon sa kanya, “Hahaha! Overjoyed! Pagkapanood ko nito napasigaw at tumulo na lang luha ko, goosebumps!!! Isa ito sa mga pinangarap ko #thankuLORD!”

“Maraming maraming salamat #mmk #abscbn sobra sobra po ang sayang nararamdaman ko ngayon bilang ina salamat po! #bucketlist? Abangan! Sa Dec 8 na po. #mmk #mmkria #mmkarjo #mmkarjo&ria #mygreatestloves #Proudmom.

“Haping-happy ang afternoon.  Binabalik ko po ang papuri sayo Panginoong JESUS!”

For sure, ganun din ang nararamdaman ni Papa Art Atayde, na makitang magkasama sina Arjo at Ria sa isang project.

Nagkasama na ni Sylvia si Ria teleseryeng Ningning at si Arjo naman sa Hanggang Saan.

At ngayon nga sina Arjo at Ria naman ang magsasama sa MMK, kaya isa na namang dream ang natupad, kaya ganun din ang pasasalamat ni Ria na nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho si Arjo.

Sa kanya naman IG post, “After about two months of planning, we were finally able to shoot our MMK episode and I’m so excited for all of you to see it at the end of this week since I joined the industry, I wanted nothing more than the opportunity to work with @arjoatayde so this is another dream come true.

“Thank you @mmkofficial for not only letting us bring to life the beautiful story of environmentalists Armin and Rosedel Marin but for also reminding us that this country’s beauty and future are definitely worth fighting for. Please catch our episode, under the direction of Direk Giselle Andres, this December 8 (Saturday) at 8:30 p.m. on ABSCBN.”

Anyway, pareho silang may entry sa 2018 MMFF, si Ria sa The Girl in the Orange Dress (Quantum Films/Star Cinema/MJM Productions) starring Jericho Rosales and Jessy Mendiola at si Arjo naman sa Jack Em Popoy: The PulisCredibles (CCM Film Productions/MZet Production/APT Entertainment) na bida naman sina Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s