Kim, umaming ‘di pa nahahanap ang kanyang ‘great love’ kahit may Xian na

Ni:  Rose Garcia

NAIPALIWANAG naman ni Kim Chiu ang unang sagot niya nang tanungin ang cast ng 2018 MMFF movie from Regal Films na One Great Love kung nahanap na nga nila ang great love nila.

Sabi kasi ni Kim, hindi pa niya nahahanap ang great love niya, so may mga nagsabi na hindi raw kaya mag-react ang boyfriend nito na si Xian Lim.  Yun pala, ipinaliwanag naman ni Kim nang makausap namin na iba-iba kasi ang love.

Sey niya, “Parang kung idi-distinguish ko kung great love or true love, true love (si Xian.) Siguro, pagtanda ko pa mare-realize kung sino ang great love ko.”

Sa ngayon, aminado na masaya raw si Kim.

“I’m very happy sa nararamdaman ko ngayon and naibabalik naman sa akin ‘yung pagmamahal na ibinibigay ko, so masaya naman ako.”

kim xian

Ibang-ibang Kim Chiu nga ang mapapanood ng mga tao sa One Great Love. Sumabak na si Kim sa mature role at may mga kissing scenes siya sa dalawang leading men niya na sina Dennis Trillo at JC de Vera.

Aba, tatlo ang love scene ni Kim.  Meron sa comfort room, sa Jacuzzi at sa kama.

At alam daw ni Xian ang movie niya na ito na proud din si Kim na ipapanood dito.

“Oo, kasi, open na rin siya sa mga ganu’n. Rated PG (Parental Guidance) siya actually, eh, so ano talaga. Supportive naman siya. Tinulungan pa niya ako kung paano sasagot sa mga tanong na ganito.

“Sabi ko, ‘paano sasabihin ko? Siyempre, tatanungin ako ng mga ganyan?’ Sabi niya, ‘siyempre, lumabas ka sa comfort zone mo, hindi ka naman maggo-grow kung hindi mo itsa-challenge ang sarili mo.’ And chinallenge ko talaga ang sarili ko dito.”

Ayaw nang ikuwento pani Kim ang love scenes niya sa pelikula pero sey niya, mas maganda raw palang gumawa ng ganitong eksena pag hindi mo kilala ang kapareha mo at talagang trabaho lang ang lahat.

one great love1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s