Jericho, dumaan din sa pamba-bash pero nagulat sa rami ng basher ni Jessy; pinayuhan na ‘wag mag-quit sa showbiz

Ni: Rose Garcia

DUMAAN din sa pamba-bash si Jericho Rosales bilang isang artista, pero, nagulat raw ito sa rami ng basher ng leading lady niya sa 2018 MMFF movie na The Girl in the Orange Dress ng Quantum Films.

Mismong si Echo kasi ay napatunayan nito nang mag-post siya sa kanyang Instagram ng larawan nila ni Jessy Mendiola while shooting the film at talagang kinuyog din siya ng bashers.

Sabi ni Echo, “First time kong naka-experience sa Instagram ko ng ganu’n karaming bashing. Na parang nag-post ako ng picture naming dalawa, tapos biglang ang wild! Tinignan ko ‘yung mga accounts, puro naman mga troll, ‘yung walang followers, ganu’n.”

Ipinagtanggol niya nga that time si Jessy at nag-post siya ng tungkol sa negativity. Nakakausap din daw niya si Jessy tungkol dito kaya siguro, malaking factor rin si Jericho sa desisyon ni Jessy na huwag na munang ituloy ang planong pagku-quit sa showbiz.

Ang payo nga raw ni Jericho rito, “you know, it will pass. Don’t let these people or itong situation na ito to stop or go against your dreams, passion and talent mo. There’s so much more, kaya mo ‘yan. It’s a test of ano lang ‘yan, faith, strength, patience, love, forgiveness, parang ganu’n.”

Jessy-and-Jericho

Naranasan na rin daw ng aktor na gusto na ring tumigil sa showbiz tulad din nang naging revelation ni Jessy. Kaya pinayuhan din daw niya ito.

Aniya ay normal na pinagdadaanan ‘yun ng artista especially kapag pagod na. Pero babalik at babalik naman daw ‘yun if you’re really an artist. Kaya thankful din siya sa mga taong nag-advice sa kanya and he’s glad that he’s back.

Sa tanong kung paano naman niya idini-deal ang bashers, kailangan daw talaga ng deep love and understanding.

“Sinasabi ko na lang ‘let love, let God, bahala na sila. I will say something, alam mo naman ako, fighter ako, I will say something.

“Pero at the end of the day, hindi ako makikipag-untugan para sa mga ganu’n, kasi wala naman tayong mapapala and hindi rin sila matututo,”

Playing the Superstar si Jericho sa The Girl in the Orange Dress na mukhang isa sa promising ang kuwento among the MMFF entry ngayon.

And yes, inspired by one of our favorite Hollywood film na Notting Hill.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s