Bagong tambalan nina ni Jericho at Jessy, patok sa netizens; suportado nina Luis, Derek and Jennylyn

Ni:  Ricky Calderon

BALIK-Metro Manila Film Festival ang multi-awarded actor na si Jericho Rosales via the movie The Girl In The Orange Dress.

At may bago siyang leading lady in the person of Jessy Mendiola.

Sa movie ay gumaganap si Echo as Rye, isang superstar na kinababaliwan ng mga babae.

Si Jessy naman ay si Anne, isang happy-go-lucky girl na misteryosa at walang pakialam sa mundo.

Nagkatagpo sila sa isang pagkakataon and ended up in bed. Ang single encounter na ito ang magpapabago sa kanilang buhay.

Magkukrus ang kanilang landas, mawawala sa katinuan, magsisiping at nagulo at nabago  ang takbo ng kanilang  buhay!  Naging viral  ang pictures nilang lumalabas sa isang hotel pero clueless ang publiko sa pagkatao ni Anne at ang tanging clue lang nila ay siya ang “The Girl in the Orange Dress”!

Kakaibang Jericho ang makikita ng manonood sa TGITOD, dahil sa huli niyang flm festival entry, ang #Walang Forever, pinaiyak niya ang moviegoers at  nanalo siya  siyang Best Actor. Unang sabak naman ito ni Jessy sa moviefest na huling napanood sa big screen sa pelikulang Chinoy: Mano Po 7.

Kahit unang team-up, patok na patok sa netizens ang pagsasama nila dahil nang unang lumabas ang full trailer nito ay humamig na iyon ng 3M combined views at 61K total shares as of November 30, 2018.

Komento ng ilang netizens, “Cute ang team up nila!” “Fresh!” “Nakakaliw at swak na swak sila sa role nila!”

Isa sa highlights ng pelikula ay ang pagsasayaw ng tango nina Echo at Jessy. Sumuporta rin sina Luis Manzano, Derek Ramsay, Jennylyn Mercado at iba pa.

Ang The Girl In The Orange Dress ay handog ng Quantum Films, TBA Studios, MJM Productions na naghatid sa publiko ng de kalidad na filmfest movies gaya ng English Only Please, #Walang Forever at All Of You mula 2015-2017.

Mula ito sa panullat at direksyon ni Jay Abello at mapapanood simula sa Disyembre 25.

Gawin nating kulay orange ang Pasko at pag-ibig sa panonood ng The Girl in The Orange Dress.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s