RS Francisco, masayang nakasama ang K-pop group na Momoland

Ni: Throy Catan

MARAMI ang napatili at nag-enjoy na Filipino fans nang dumating sa pangalawang pagkakataon ang isa sa mga pinakasikat na K-pop girl group na Momoland.

Naparito ang Momoland para sa fan-meet event na ginanap sa Vertis North last Monday, November 3. Ang nasabing event ay para lang sa mga platinum members ng Frontrow, isang multi-level marketing company na nakabase rito sa Pilipinas.

Dumating ang Momoland last Sunday afternoon, November 2, sa Ninoy Aquino International Airport. Sa gate pa lang ay marami na ang mga naghihintay na Filipino fans para lang makita ang kanilang K-pop idols.

Galing sa airport ay diretso ang grupo sa Seda Hotel para mag-lunch kasama ang founders ng Frontrow na sina RS Francisco at Sam Verzosa.

Inamin ni RS during the press conference nung Lunes ng umaga, November 3 kung bakit masaya ang kanyang pakiramdam nang makasama niya ang Momoland, “I met them yesterday. Right from that day, I admire them so much… They were so tired from the flight–from travelling and all– but they still have much with us. They share jokes with us.

“I was even having a joke with someone here. I was asking her for her English name and then she said ‘I don’t have an English name’, and I go ‘Okay I’ll think of an English name for you okay. Your name is Madonna.’ So, we started laughing.” Sabi ni RS.

“You know, I was telling the press awhile ago that watching the Momoland from YouTube and TV, and I see you from afar you’re like superstars. I see nine beautiful unreachable stars. But as soon as you meet them, you realize that they’re just normal teenagers who wants to have fun. They just love what they’re doing.” Dugtong niya.

Pakatapos ng presscon ay diresto ang Momoland sa Vertis North para makita ang mga fans at nag-perform sila habang kinakanta ang kanilang sikat na kanta katulad ng BAAM! at Bboom Bboom. 

Ang Momoland ay isa sa mga sikat na K-pop group sa South Korea. Binubuo ito na siyam na miyembro: JooE, Yeonwoo, Nancy, Hye Bin, Nayun, Ahin, Jane, Taeha, and Daisy.

Para sa dagdag na detalye tungkol sa event na ito, bisitahin lang ang Frontrow official Facebook page at Instagram account.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s