Rochelle, napapanaginipan na ang baby girl nila ni Arthur

Ni: Rose Garcia

BABY girl ang pinagbubuntis ni Rochelle Pangilinan at magiging panganay na anak nila ni Arthur Solinap.

Nasa seven months na ang baby nila at first week of March daw ang due date niya. Pero dahil panganay, posibleng mas mapaaga pa nga ito.

Excited na raw sila at napapanaginipan pa raw niya.

Wala pa raw silang name, although may mga pinagpipilian na. Kuwento pa ni Rochelle, mas mahigpit daw sa kanya ngayon si Art at ito raw ang nagwa-warning sa kanya ng diet niya.

rochelle&arthur

Pati raw oras ng pagtulog niya ay monitor ni Arthur.

Hanggang ngayon, napapanood pa rin si Rochelle sa Onanay. Isa raw ito sa mga blessing na meron siya bukod sa magiging baby nila.

Sey niya, “’Di ba, sobrang blessing talaga. Saan ka naman nakakita ng kahit seven months na ko, nakakapag-work pa rin, nakakapag-taping pa rin at sobrang gaan lang talaga.

“Sana hanggang sa manganak, ha ha ha!”

Hindi rin daw malilimutan ni Rochelle ang Onanay dahil kahit daw palagi at ilang buwan na silang magka-eksena palagi ng Superstar na si Nora Aunor, parang surreal pa rin daw sa kanya ang pakiramdam na ka-eksena nga niya ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s