Ejay, gustong gumawa ng mga karakter na tatatak talaga

Ni:  Rose Garcia

FRESH from U.S. si Ejay Falcon nang makita namin, as in wala pa raw itong tulog mula sa naging dalawang bakasyon sa America.

Kasama ni Ejay ang girlfriend na si Jana Roxas at ang kapatid nito.

Nagpunta raw sila sa San Diego, Los Angeles, Las Vegas, New Jersey at New York. Pero sa lahat daw, hindi nila na-enjoy ang New York dahil sa sobrang lamig ngayon.

Pero kabuuan, na-enjoy raw ni Ejay ang travel nila dahil purely bakasyon talaga. Nagkasunod-sunod din kasi ang mga ginawa niya this year, nagka-bonus pa siya ng episode ng Korean drama kunsaan ay napansin siya.

EJFalcon-jana

Ngayon daw, after ng bakasyon, ready na ulit siyang mag-trabaho ng full blast. Though, wala pa raw siyang alam na detalye ng mga gagawin niya kahit may sinasabing may serye na siyang gagawin.

Sabi ni Ejay, kung siya raw sana ang tatanungin, gusto raw sana niya na gumawa ng mga karakter na tatatak talaga.

Sa U.S. din nag-celebrate si Ejay ng birthday niya noong November 21 at nag-post ito ng pasasalamat. Looking back naman talaga, napakalayo na rin ng narating ni Ejay from a boy who came from Mindoro.

Sey niya, “maraming salamat po Panginoon. Napakarami man pagsubok ang dumating sa buhay ko ay ginabayan nyo ako para makayanan to. Sa mga desisyon ko sa buhay sana gabayan nyo pa rin ako at sa mga taong pinapadala nyo sa buhay ko. Salamat at binigay nyo ang sobra sobra pa sa hiningi at pinangarap ko.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s