RJ, nagbigay ng tribute sa yumaong ama sa kanyang birthday concert

Ni: Ruel Mendoza

MARAMING dapat na ipasalamat ang Star Music artist na si RJ Agustin sa birthday concert niya sa November 30 sa Music Hall titled RJ Agustin Live At The Music Hall.

Thankful ang singer-actor-film producer and businessman sa magandang takbo ng career niya sa taong ito. After niyang pumirma ng kontrata with Star Music, tuluy-tuloy ang kanyang trabaho tulad ng TV guestings, mall shows at personal appearances sa iba’t ibang events ng Star Music.

Nai-launch din ang kanyang single na “Seryoso Na Pala” at may second single siyang ilalabas na sinulat ni Joven Tan.

“Sobra po akong na-bless sa taong ito and I would like to share it with the people who are always there to support and believe in my talent.

“I have so much to be thankful for, lalo na sa mga executives ng Star Music for giving me this break.

“Matagal ko pong hinintay ito and I am still  overwhelmed sa lahat ng nangyayari,” ngiti pa ni RJ.

rj agustin

Kung may isang tao na gustong i-share ni RJ ang blessings ng career niya ngayon, ito ay sa kanyang ama, ang veteran film director na si Arturo “Boy” San Agustin na pumanaw noong nakaraang June 2018.

“Dream ng dad ko na makita niya akong successful sa bagay na gusto kong gawin which is singing and performing live.

“Sayang nga lang at hindi na niya nahintay ang mga nangyaring maganda sa career natin. Pero alam ko, saan man naroon si dad, masaya siya para sa akin.

“Pakiramdam ko nga, siya ang nagga-guide sa career ko sa tamang direksyon.

“Kahit sa kabilang buhay, he is still directing!” tawa pa ni RJ.

May magandang tribute na gagawin si RJ para sa kanyang ama sa gabi ng concert niya.

“Kaya may isang portion ng concert where I will dedicate it to my dad. I will sing his favorite songs. Mahilig ding kumanta kasi si daddy.

“And this is our first Christmas na wala siya. Malungkot pero we all have to move on.

“Wala man si dad sa mundong ito physically, but in spirit, he is still with our family.

“We miss you dad. This concert is for you,” pagtapos pa ni RJ Agustin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s