Pinoy Broadcast Executives, tampok sa ‘Singapore Leaders’ Summit’

Ni: Rohn Romulo

ANG mga executives mula sa pinakamalalaking networks sa Pilipinas ay magsasama-sama para magbahagi ng kanilang insights sa media at entertainment industry ng bansa sa Asia TV Forum & Market (ATF) Leaders’ Summit.

Ang nasabing event na may theme na “The Next New,” ay tututok sa pagtuklas ng latest trends at tutugunan ang mga creative challenges sa entertainment content industry ng Asya.

Tampok sa nasabing panel sina Carlo Katigbak, Chief Executive Officer ng ABS-CBN Corporation, Guido Xavier Zaballero, Chief Marketing Officer ng Cignal TV, Inc., at Vincent “Chot” Reyes, President and Chief Executive Officer ng TV5 Network, Incorporated.

Ang Leaders’ Summit ay parte ng ATF at Singapore Media Festival (SMF) kung saan ang Pilipinas ang Country of Focus ngayong taon sa ilalim ng leadership ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

“We’re proud that the Leaders’ Summit will highlight a panel focusing on Philippine entertainment content with no less than the big bosses of our country’s most influential networks as panelists. Film and TV are inevitably entwined in the same industry and we’re grateful that Singapore recognizes the important role of the Philippines in the development of the whole region content-wise. This comes at a great time especially now that for film particularly, we are celebrating the One Hundred Years,” sabi ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño.

atf-singapore

Bukod sa Leaders’ Summit sa ATF, ang FDCP ay magdadala ng 30 companies na binubuo ng film at content producers, buyers, distributors, animation companies, at service providers upang lumahok sa iba’t-ibang activities at gumawa ng collaborations para sa future projects.

Ang SMF ay ang leading international media event ng Southeast Asia na hosted ng Infocomm Media Development Authority (IMDA). Ito ay isang pagdiriwang ng Asian storytelling na layuning pagsamahin ang creative at media professionals at ipakita ang pinakamahuhusay na talento, trend, at content ng region, kabilang na ang telebisyon, pelikula, at digital media.

Ang ATF Leaders’ Summit ay gaganapin sa December 4, 2018 mula 2:50 PM hanggang 3:15 PM (14:50 to 15:15) sa Level 4, Roselle Ballroom sa Marina Bay Sands.

Ang Singapore Media Festival ay nagsimula na noong November 28 at tatakbo hanggang December 9, 2018.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s