SPEEd, tatlong taon na at nag-celebrate sa pamamagitan ng isang outreach program

Ni:  Rohn Romulo

IPINAGDIWANG ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang ikatlong anibersaryo ng grupo sa pamamagitan ng isang outreach program sa Anawim Home For the Abandoned Elderly sa San Isidro, Rodriguez, Rizal nitong nakaraang Linggo.

Ang Anawim ay isang institusyon na suportado ng kilalang Catholic lay preacher at minister na si Bro. Bo Sanchez.

Isa sa mga matagal nang nakatira sa Anawim ay ang dating entertainment editor at scriptwriter na si Iskho Lopez na tuwang-tuwang makita ang mga kaibigan sa SPEEd.

Nagpasalamat si Iskho sa mga maagang Pamasko na natatanggap nila mula sa mga tao at grupo na patuloy na nagbabahagi sa kanila ng tulong.

eddys-anawim2

Bukod sa simpleng entertainment program, namahagi rin ng pagkain, gamot at iba pang mga gamit ang grupo ng mga editor sa mga taga-Anawim.

Naghandog naman ng ilang kanta at sayaw ang mga lolo at lola bago matapos ang programa.

Ilan sa mga tumulong para maisakatuparan ang ikatatlong outreach program ng SPEEd ay ang Unilab, sa pangunguna ni Claire de Leon Papa, Healthy Family ng Manila Water, Wilson Flores ng Kamuning Bakery, Perci Intalan ng IdeaFirst Company.

Nakiisa rin sa outreach program ng SPEEd sina Aileen Go ng Megasoft, Reí Tan ng Beautederm at PR/publicist na si Chuck Gomez.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s