Maine, posibleng makasama si Alden ‘pag natuloy ang paggi-guest sa sitcom

Ni: Nora V. Calderon

BALIK-WORK na muli si Pambansang Bae Alden Richards, pagkatapos makapahinga ng one week after ng kanyang fantaserye na Victor Magtanggol. 

Back na siya daily sa Eat Bulaga minsan sa Broadway Studio, minsan sa sugod-bahay sa barangay.

May time na rin siyang gawin ang mga personal na bagay na dapat siya ang mag-asikaso.

Last Monday afternoon, after ng EB, may nag-post ng video na nakapila si Alden sa LTO Binan, Laguna para mag-renew ng kanyang driver’s license.  Inagahan na niya ang pagkuha kahit sa January 2 pa ang kanyang birthday.

Pinaghahandaan na niya ito dahil nga may long Christmas vacation siya with his family sa December, at tiyak pagbalik nila rito, sarado ang mga government offices dahil sa Holiday season.

aldub-15

Last Tuesday, nagsimula na ring mag-taping si Alden as the guest of Daig Kayo Ng Lola Ko para sa month-long Christmas presentation titled “Noynoy Ang Santang Pinoy.”

Ang first episode ay mapapanood na sa Sunday, December 2, pagkatapos ng Amazing Earth ni Dingdong Dantes.  Sa Taal, Batangas ginanap ang first taping day ni Alden.

Balitang maggi-guest din si Alden sa isang episode ng Daddy’s Gurl nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza. Hinihintay na rin ang pagbalik ni Alden sa Sunday Pinasaya na nagpaalam muna siya ng ilang linggo habang tinatapos ang VM.

Kasabay namang nag-taping ni Alden si phenomenal star Maine sa Lipa, Batangas noong Tuesday din, para sa Daddy’s Gurl na malamang pang-Christmas presentation na rin ng top-rating sitcom every Saturday, after ng Pepito Manaloto.

Sinunod nila ang request ng televiewers na bumalik naman sila sa Lipa, Batangas na doon kinunan ang pilot episode.

This Saturday, special guest muna nina Maine si Lovi Poe, sa direksyon ni Chris Martinez.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s