JM, hiyang-hiya sa pamba-bash ng fans nila ni Barbie kay Rhian; nagpapasalamat sa leading lady

Ni:  Rose Garcia

TO the rescue na si JM de Guzman sa leading lady niya sa pelikulang Kung Paano Ka Nawala na si Rhian Ramos.

Tila hiyang-hiya na ito dahil sa inaabot na pamba-bash ni Rhian sa mga fan daw nila ni Barbie Imperial.

Nag-post si JM sa Instagram account niya ng picture nilang dalawa ni Rhian at isang mahabang caption kunsaan pinasalamatan nito si Rhian sa tulong daw sa kanya at alam daw niya masakit na ang mga natatanggap nito.

Sabi ni JM kay Rhian, “tol. Salamat sa malupit na journey na makatrabaho ka. Sa pagkakaibigan na pinakita mo at pagiging totoo salamat ng marami… All I have for you is respect at malasakit at alam ko ganun kadin sakin. Salamat nakatrabaho kita. Salamat sa talento at inspirasyon. Tibay mo. Salamat sa tulong. Stay strong, alam ko medyo masakit na. I’m sorry. Ingat lagi kaibigan. Apir.”

jm-de-guzman-barbie-imperial

Sinagot naman ito ni Rhian nang, “M, I always appreciate how you always come out of pain stronger, smarter, and better. Don’t ever lose that about you. But if you ever need an extra push, you know I’ll be there for you. It ain’t easy, but thank you for the friendship and thank you for this.”

Yun nga lang, sa kabila ng post na ito ni JM, mukhang hindi pa rin tumigil ang mga bashers o mga fans dahil sa paniniwala nilang break na sina JM at Barbie.

May nabasa pa kaming comment na, “Whether or not, alam namin ang kabuuang pangyayari. Sana you remained silent na lang. Now you apologize and post something like this in defense of Rhian. Parang wala akong maalala na ginawa mo for Barbie sa lahat lahat ng bashing at judgment na natanggap niya.”

Kalurkey na! Ang fan talaga ngayon, kung ano gustong paniwalaan, kahit anong paliwanag pa yata, yun at yun ang gusto nilang paniwalaan, huh!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s