Empress, gusto na talagang mag-quit sa showbiz dahil happy sa pagiging ina at asawa

Ni:  Rohn Romulo

MULING nagbabalik ang writer at director ng mga romantic drama movies na Iliw at I Found My Heart in Santa Fe, na si Bona Fajardo sa kanyang pinakabagong pelikula na Kahit Ayaw Mo Na na ipalalabas na sa December 5 na mula sa VIVA Films, Blu Art Productions, Spark Samar at Saga Prefecture Film Commission.

Pinagbibidahan ito nina Empress Schuck, Kristel Fulgar at Andrea Brillantes, ang  Kahit Ayaw Mo Na ay kwento ng tatlong babae na sina Joey, Mikee at Ally na pare-parehong hahatakin ng nakaraan patungo sa napakagandang probinsya ng Samar.

Si Joey (Empress), ay isang designer na nagpunta sa Samar kasama ang kanyang kasintahan na si Reggie (Daniel Matsunaga) para sa pagsisimula ng kanyang sariling negosyo.

Kahit-Ayaw-Mo-Na-poster

Sa Samar makikilala niya sina Edlyn (Desiree Del Valle) at Dong (Allan Paule), mag-partner na malapit nang ikasal at nagpapatakbo ng isang banig-weaving business. Kasama nila sa bahay ang kanilang anak at aspiring composer na si Ally (Andrea).

Si Mikee (Kristel) naman ay isang food at travel vlogger na pumunta sa Samar kasama ang kanyang kaibigan na si Jiro (Kuya Sawa) upang itampok ang Samar’s Secret Kitchens — ang pinaka-iingatang family recipe ng nanay ni Dong.

Kahit nae-enjoy nina Joey at Mikee ang ganda ng Samar, pilit pa rin silang ginugulo ng kanilang mga personal issues. Sina Joey at si Mikee ay parehong lumaki na hindi nakikilala ang kanilang mga ama.

Samantalang si Ally naman broken hearted dahil sa hindi masukliang pagmamahal niya para sa isang kaibigan.

Dahil tinuring na nilang kapamilya sina Joey at Mikee, inimbatahan nina Edlyn at Dong ang dalawa sa kanilang kasal. Ngunit isang hindi inaasahang rebelasyon ang gugulo sa kanilang selebrasyon.

Sequence 011185

Panoorin sina Empress, Kristel at Andrea ma-experience ang pinakamasaya at pinaka-memorable na summer sa Samar. Ma-hook din sa official soundtrack ng pelikula na may parehong titulo mula sa This Band.

Samantala, nagkuwento naman si Empress na happy siya sa pagiging ina kay Athalia na tatlong taon na pala. “Masaya pala, ang cute niya, madaldal na siya, marami na siyang nalalaman,” sabi niya.

“Perform siya ng perform sa harapan ko, mas artista pa siya kaysa sa akin tapos sobrang daldal, lahat ng sasabihin ko gagayahin lang niya. Enjoy po, sobrang enjoy ako bilang isang ina.

Bago pa siya nabuntis, nasa plano na niya na mag-quit sa showbiz.

“Opo, kasi I started very young po, eh. I started at the age of 7 years old and then at the age of 20, ‘yun pa rin ang ginagawa ko, wala namang iba.

“As in, nandoon lang ako walang iba. Although I get to try different roles, but then nandoon ka pa rin.

“So, I got to the point na sure ba ako? Parang napagod ako hindi na ako happy. Hindi ako sure that time kung ano ba ang dapat na decision and then siguro blessing ‘yun na I have Athalia and it turned out na baka eto na ‘yun kasi sobrang naging happy ako.

“I found my happiness talaga as in, totoong happiness na unconditional talaga na hindi mo in-expect na may ganitong happiness na dadating sa ‘yo.

empress fam

“When I had that, mas lalo akong magiging masaya kapag naiisip ko na magte-taping ulit ako, but then still work pa rin kaya hindi mo basta puwedeng binitawan basta-basta lang. Dumating kasi sa point na mawala na ang lahat, basta kasama ko ‘yung happiness ko which is si Athalia and the father of my baby, si Vin (Vino Guingona).

“Kaming tatlo kahit fantasy man siya, ngayon ko lang ‘to nararamdaman, ngayon ko lang ‘to makukuha sa buong buhay ko na never kong nakuha, so ayaw ko siyang pakawalan.

“Before and after Athalia, na-feel ko na talaga ‘yun but then nandiyan si Tita Becky (Aguila) hindi pa ako artista nandiyan na siya, para ko na siyang second mother. Ilang beses akong lumapit sa kanya para i-explain na hindi na ako happy, hindi niya ako pinipilit, lagi lang siyang nagbibigay ng peace of mind.

“Sabi niya, ‘I believe in you, sayang!’ Although passion ko naman siya, pero anong magagawa ng passion mo if you’re not happy. So parang I’ll try to find my happiness first and then pagsabayin ko.”

Sa pagpapatuloy ni Empress, “so, there’s this one film po na after I gave birth to Athalia, nag-stop po ako, and then dumating po ‘yung Goyo, Ang Batang Heneral. Nag-audition po ako for that at natanggap po ako and iyon po ang first movie na ginawa ko pagkatapos kong mag-break sa showbiz.

“Sabi po sa akin ni Tita Becky kunin mo lang ‘tong Goyo and then after that, nagtuluy-tuloy na po ang projects ko tapos may iba pa akong gagawin.

“So si Tita Becky binigyan niya ako ng peace of mind and then binigyan ko rin ng chance ‘yung showbiz ulit,” mahabang kuwento ng aktres na sa murang edad palang ay ang naging breadwinner na ng pamilya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s