Direk Joel, excited na sa kanyang comeback film sa taunang pista ng pelikulang Pilipino; Eddie at Tony, may kissing scene

Ni:  Ricky Calderon

NAGBABALIK sa Metro Manila FilmFestival 2018 ang award-winning director at reyna ng MMFF si Direk Joel Lamangan via Rainbow’s Sunset from Heaven’s Best Entertainment Productions.

Bida sa pelikula sina Eddie Garcia, Ms. Gloria Romero and Tony Mabesa.

Noong magkasana sa Portugal sina Direk Joel at Ferdie Lapuz, nakita raw nila si Tony Mabesa sitting by his lonesome in a corner.

“Doon namin naisip na igawa ng movie si Tony, tipong love story ng isang matanda o senior citizen. Then we developed the story with the help of Eric Ramos who also wrote the script,” pahayag ng award-winning director sa press preview ng movie.

Ang kwento ng Rainbow Sunset ay tungkol kay Ramon, isang dating senador na iniwan ang kanyang pamilya para samahan ang kanyang gay friend na may sakit na cancer.    Pumayag naman ang kanyang asawa (played by Gloria) pero ‘di ito nagustuhan ng kanilang mga anak.

Wala naman naging problema si Direk Joel sa kanyang mga artista na very professional.

joel lamangan

Dahil kwento ito ng isang senior citizen na may kaibigang bading, tinanong daw ni Eddie kung meron silang kissing scene ni Tony.

O, sige may kissing scene pero hindi torrid,” sabi ni direk Joel.

“My two male leads were very cooperative, even Ms. Gloria Romero. They are very brave actors in tackling this unique love story.”

In doing Rainbow’s Sunset, gusto ni direk Joel na mamulat ang isipan ng mga tao sa ibang uri ng pag-ibig sa ating bansa.

“We should respect them and realize that everyone is equal in love. Whatever problem we may have, love will always prevail. Nothing is perfect this world. No one is perfect.”

Excited si Direk Joel sa pagkapili ng Rainbow’s Sunset bilang entry sa MMFF 2018. Ito kasi ang comeback film niya taunang pista ng pelikulang Pilipino.

“Matagal na akong ‘di gumagawa ng movie for MMFF since I directed ‘Blue Moon’ pero dati ako ang reyna ng MMFF dahil minsan tatlu-tatlo ang entries na dinidirek ko. Matagal din ako nagpahinga sa MMFF. I am happy and excited to ride the float and join the filmfest parade.again.”

At ang entries na gawa ni Direk Joel ay laging nagwawagi ng awards.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s