Alden at Maine, nagpasaya at nagpasalamat sa mga fans na patuloy na sumusuporta

Ni: Nora V. Calderon

MULING pinasaya nina Alden Richards at Maine Mendoza ang kanilang mga fans, ang AlDub Nation (ADN) nang muli silang nag-attend ng third year na ng ‘Timeless’ bilang thanksgiving sa patuloy nilang pagsuporta sa paborito nilang love team.

This year ginanap ang ‘Timeless’ sa Palacio de Manila, Roxas Blvd., Manila last Sunday, November 25.  Full-packed ang venue ng mga fans na mula pa sa iba’t ibang lugar at may ilang balikbayan na nakisaya rin sa kanila.

Isa munang Holy Mass of thanksgiving ang isinagawa at pagkatapos, the priest prayed over Alden at Maine sa katuwaan ng mga fans.

Nagkaroon ng short program habang kumakain sila. Bago ang group picture with Alden and Maine, nagbigay muna ng message ang dalawa bilang pasasalamat sa mga fans.

alden maine

Nauna si Maine: “Salamat sa pagdalo ninyo sa gabing ito.  Gusto kong i-take ang pagkakataong ito para sabihin sa inyo na mahal po namin kayo.  Kasi hindi namin maintindihan kung bakit laging maraming nagdududa kapag may mga nangyayari.  Kaya sana huwag ninyong kalimutan iyon kasi totoo po talaga iyon. 

“Sobrang grateful po kami talaga ni Alden sa suporta ninyo sa amin, sa walang sawa ninyong pagsuporta at pagmamahal sa amin, kaya maraming-maraming salamat sa lahat lalong-lalo na iyong mga sumusuporta sa career namin at personal na buhay.  Ayun, maraming salamat po.”

Alden: “Ang masasabi po naman namin ni Maine, ang AlDub Nation ay nag-evolve na, marami nang naging mature, naging open-minded sa mga nangyayari at itong event na ito, this goes to show na kahit anong pa mang din na pinagdaanan natin, basta sama-sama, buo pa rin ang AlDub Nation, kaya intact tayo dahil sa isang purpose, iyong pagtulong sa mga nangangailangan. 

“So maraming salamat po for this night, we enjoyed at sana nag-enjoy din kayo.  Thank you so much.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s