Bianca, pinagkaguluhan ang alindog sa pinost na sexy bikini photos; pangarap na maging recording artist matutupad na

Ni:  Ruel Mendoza

DAHIL sa sunud-sunod na paglabas sa social media ng mga sexy bikini photo ni Bianca Umali, nagtatanong ang 1.7 million followers ng aktres kung handa na bang mag-pose ito para sa isang men’s magazine?

Sumagot naman si Bianca ng “no” pero hindi naman daw niya sinasara ang kanyang pintuan sa possibility na iyon.

“Hindi ko alam kung in the future… hindi ko alam.

“Pero sa ngayon, not that I’m not ready for it or not that I’m closing my doors, pero wala pa siya sa plano ko ngayon.

“Wala naman akong pinoprotektahan, but personal decision.”

Pinagkaguluhan nga ang alindog ni Bianca nang i-post nito sa Instagram account niya ang mga photo niya na naka-white two-piece bikini siya sa recent beach trip niya.

Simple lang ang nilagay niyang caption sa isang bikini photo niya: “tanned and the happiest”

bianca-sexy1

Kelan lang ay pumirma si Bianca ng kontrata with GMA Records. Matutupad na raw ang dream niyang makakanta ng live sa TV.

“Hindi ko rin in-expect pero now that I am with GMA Records, sobrang saya ko po kasi honestly pangarap ko po talaga ito.

“It was one of my dreams to, kahit magkaroon lang ng isang single or kahit makakanta lang nang live.

“I don’t know if na-notice ng iba pero never pa akong nakakanta nang live on TV. Lagi lang kapag sa mall shows.

“Pero now that I am with GMA Records matutupad na. Kumbaga it’s another milestone for me,” ngiti pa ni Bianca.

Surprise daw para sa fans niya ang una niyang ire-record na single.

“Sobrang gusto kong i-spoil pero hindi pa puwede kasi, kahit sa akin, sobrang, till now surprised pa rin ako sa lahat ng mga nangyayari but siguro mabait si Lord sa akin and I think I can promise sa fans ko na it would be an amazing 2019.

“I will be recording na very, very soon. Hindi ko lang po puwede i-spoil kung ano. Pero as soon as possible, ire-release namin,” pagtapos pa ni Bianca Umali.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s