Sharon, buong pusong binigay ang very expensive ring kay Regine; mas mahal sa bracelet ni Vice Ganda

Ni: Rohn Romulo

SI Regine Velasquez-Alcasid naman ang nakatikim nang mamahaling
regalo mula kay Megastar Sharon Cuneta.

Nangyari ito sa second night ng Regine at the Movies last November 24 sa New Frontier Theater na kung saan si Sharon ang special ni Asia’s Songbird.

Pagkatapos nilang mag-duet sa medley ng ‘Bituing Walang Ningning’ at ‘Pangarap na Bituin’, na kung naiyak pa si Regine, dahil nagkatotoo na ang pangarap niya makasama sa isang concert.

Buong pusong binigay ni Sharon ang very very expensive na customize ‘Sex In The City’ ring na punum-puno ng diamonds, to commemorate ang first concert nila ni Regine na para sa kanya ay pinakamagaling na singer sa bansa.

sharon-regine

Ayon kay Mega, ito na raw ang most expensive gift na ibinigay sa buong buhay niya na nagkakahalaga na naman ng milyung-milyon na obviously mas mahal kesa sa bracelet na binigay niya kay Vice nang mag-guest ito sa Gandang Gabi Vice.

Ang nakatutuwa pa, ilang beses na nagpaalam at kiniss pa ni Mega ang mamahaling singsing na may shape ng rose dahil mami-miss niya ito at hindi na niya magagamit at makakasama sa mga concerts katulad sa Hong Kong last Sunday (Nov. 25) na mismong araw na siya nakalipad dahil nga sa concert ni Regine, na very successful. After ng concert kailangan din niyang bumalik pagkatapos dahil loaded pa rin si Mega para naman sa promo at premiere night ng Three Words to Forever na palabas na November 28.

May revealations din si Sharon, na tuloy na tuloy na ang mga projects nila ni Regine sa 2019. Magkakaroon din ng book 2 ang kanyang 40th anniversary concert sa January 26 dahil hindi na puwede mag-repeat dahil na-upload na sa Youtube ang halos kabuuan ng kanyang last concert sa Araneta Coliseum last September 28.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s