Kris, mas magaling humalik ayon mismo kay Rayver; nawala na ang crush niya sa aktor

Ni: Nora V. Calderon

NASA Los Angeles, California na ngayon si Kris Bernal. 

Umalis siya last Saturday, at doon na siya mag-pre-Chrismas vacation at tatagal siya roon ng two and a half weeks.

No problem naman kina Kris na mag-hotel dahil sa sarili na nilang bahay na nabili ng family ang titirahan nila.

Matagal-tagal pala siyang mawawala sa kanyang Afternoon Prime drama series na Asawa Ko, Karibal Ko na kasama niya sina Rayver Cruz at Thea Tolentino. 

Hindi ba maaapektuhan ang kanilang serye?  Baka hanapin siya ng mga sumusubaybay sa top rating afternoon soap.

“Hindi po, inayos na namin ang script at ang pagti-taping na hindi ako mawawala sa eksena.  Mahusay po ang director naming si Mark Sicat dela Cruz, ang mga writers namin, at mahuhusay din ang mga kasama kong artista rito.”

rayver-kris

Patok kasi sa televiewers ang sweetness nila ni Rayver sa mga eksena, bilang boyfriend-girlfriend sila.  Very open din kasi si Kris na hindi pa siya artista, fan na fan na siya ni Rayver at nagka-crush siya sa actor. Pero ngayon daw hindi na niya crush si Rayver dahil may boyfriend na siya at may girlfriend na rin si Rayver, si Janine Gutierrez.

Kaya nga kahit sa pagkukulitan nila habang kaharap ang mga press na bumisita sa set nila, ay natutuwa sa kanila.  Wala silang ilangan.

Kaya natanong sila kung may kissing/love scenes sila sa story.  Meron na raw silang nakunang scenes.  Sino ang magaling humalik sa kanila?

“Kailangan lamang ipakita namin na in-love kami through our kiss.  Mahirap kasi na ipi-pretend mo lamang ang kiss, mahahalata sa screen.  But since TV at sa hapon kami napapanood, hanggang kiss lamang talaga.

“Masarap humalik si Rayver,” sabi ni Kris na ikinakilig ni Rayver.

“Mas magaling humalik si Kris,” sabi ni Rayver.

“Parang ang dami na niyang ginawang ganoong kiss.”

“Totoo naman,” hindi tumangging sagot ni Kris.

Napapanood ang Asawa Ko, Karibal Ko Mondays to Saturdays, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s