Dingdong at Marian, ipinagkaloob ang hiling nila na magka-baby brother si Zia

Ni: Rose Garcia

IT’S a baby boy for Dingdong Dantes and Marian Rivera.

Ito ang napanood sa inihanda nilang more than 2-minutes gender reveal sa kanilang official You Tube channel na “Team Dantes.”

Tinanong namin kung may nakahanda na ba silang ipapangalan dito, wala pa raw silang naiisip o baka napagdedesisyunan.

Para na talaga silang picture of a perfect family. Na individually, parang halos lahat ng hinihiling nila, naipagkakaloob sa kanila. Isama na si Zia na ang birthday wish, bukod sa Tokyo Disneyland e, baby brother.

Obvious ang kaligayahan ng mag-asawa sa bagong blessing sa kanila. Although, pareho naman nilang sinasabi na kahit ano, mapa-girl or boy man ang ikalawang anak nila ay okay lang sa kanila, pero siyempre, given naman na iwi-wish nila ang baby boy dahil girl na ang panganay nila.

Hindi pa man nagpapa-gender reveal, may hinala na kaming “boy” nga ang second baby nila. Una, napaghahalata rin sa mga smiles na lang nina Dingdong at Marian sa tuwing tatanungin about the baby’s gender.

Gayundin ang mga kuwento ni Marian kung paano, magkaiba raw ang mga nararanasan niya ngayong second pregnancy niya kumpara noong ipinagbubuntis niya si Zia.

Anyway, kahit na hindi maselang magbuntis si Marian, walang planong magpunta sa ibang bansa ngayong Kapaskuhan ang Pamilya Dantes. Yung Japan trip nila recently for Zia’s birthday na siguro ang pinaka-trip nila bago magtapos ang 2018.

Busy na rin kasi si Dingdong sa primetime serye na Cain at Abel ng GMA-7.

One thought on “Dingdong at Marian, ipinagkaloob ang hiling nila na magka-baby brother si Zia

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s