Carla, aminadong naka-ready na anytime sa biglaang wedding proposal ni Tom

Ni: Rose Garcia

“ANG daling sabihin, mahirap gawin,” ang sabi ni Carla Abellana kung sa totoong buhay kaya, magiging forgiving at tatanggapin pa rin niya ang soon-to-be husband niya kung sakali at mabuko niya itong nanloloko sa kanya.

‘Yun kasi ang nangyayari sa character ni Carla bilang si Crystal sa Pamilya Roces kunsaan, kahit nalaman nito na niloloko siya ng asawa, played by Rocco Nacino as Hugo sa half-sister pa niya na si Sophie Albert as Amber naman, sa takbo ng kuwento ay pinatatawad niya ito at nag-stick siya sa marriage life nila.

tom-carla1

Sa totoong buhay, napa-“thank God” ito at hindi pa raw niya nararanasan na lokohin kahit ng boyfriend o naging boyfriend niya. Pero sey rin niya, siguro raw ay mas madali kung hindi pa naman asawa.

“’Wag naman sana! Pero kung mangyari man, mas madali siguro kung hindi pa kayo married. Pero kung married na kayo, kasi sacred yun,” saad niya.

Kaya raw niyang magpatawad, pero ang mahirap daw ay yung makalimot talaga. Sabi pa niya, magkamali ng isang beses, madali pero kung paulit-ulit, hindi na dapat.

Sa relasyon nila ni Tom Rodriguez, aminado si Carla na naka-ready naman na siya anytime na mag-popped up ito ng wedding proposal pero totoo rin daw na talagang pinaghahandaan pa nila ito, lalo na in-terms of financially.

Kahit parehong may mga investments, naniniwala si Carla na kailangan pa rin daw paghandaan ang pagpasok sa ganitong situwasyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s