Tirso, nakaligtas sa cancer pero ito naman ang ikinamatay ng panganay na si TJ; dumagsa sa burol ang mga kaibigan at kasamahan sa industriya

Ni:  Ricky Calderon

PUMUNTA kami sa burol ni TJ Cruz, anak nina Tirso at Lyn Cruz nung Huwebes ng gabi, sa Manila Memorial Park sa Paranaque.

Umaapaw sa rami ng mga bulaklak ang labas ng chapel kung saan nakalagak ang labi ng panganay nina Pip at Lyn na namatay sa sakit na lymphatic cancer.

Dumagsa sa burol ang maraming mga kaibigan at kasamahan sa industriya. Sa ginanap na misa ay umawit si Gary Valenciano. Naroon din si Kuh Ledesma.

tirso cruz-tj

Bakas sa mukha ni Tirso ang lungkot. Masakit na mawalan ng anak. It is ironic na nakaligtas sa cancer si Tirso pero ito naman ang kumitil sa buhay ng kanyang panganay.

Tahimik ang pamilya Cruz sa pagkakasakit ni TJ who just turned 37 sa kanyang birthday noong October 22.

His remains will be cremated on Sunday.

Maraming celebrities kaming namataan sa burol. Sa mga ganitong pagkakataon ay damang-dama ang pagmamahal at pagkakaisa sa showbiz.

Muli ang aming taus-pusong pakikiramay kay Tirso at sa kanyang pamilya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s