Sharon, tandang-tanda pa na naging sila ni Richard habang naglalaro ng ‘pictionary’; tumagal din ng anim na taon

Ni: Rose Garcia

LABING-LIMANG taon na since last nagsama sa pelikula sina Sharon Cuneta at Richard Gomez kaya siguradong hindi lang mga tagahanga nila ang nasasabik sa pagsasama nila ngayon, maging silang dalawa rin.

Very evident ito sa mga binitawang salita ng dalawa sa presscon ng Three Words to Forever na family movie nila at showing sa November 28, which is celebration of National Family Day mismo.

Napa-reminisce si Sharon na tandang-tanda pa kung kailan naging sila ni Goma na ngayon ay Mayor na ng Ormoc. October 11, 1989 nang maging sila raw habang naglalaro sila ng pictionary.

sharon-richard

Actually, si Goma ay parang nakalimutan na nito ang mga details, pero si Mega, ang vivid pa rin ng memories. Six years din daw sila and mostly, on and off, although mas lamang ang on. At sa loob ng panahon na yun, mga twice or thrice lang sila nagkasigawan.

Biro ni Sharon, “Napakabait ko kasi… No because he’s really a good person to begin with.”

Twenty-three years old pa lang sila noon at ngayon nga, pareho na silang 52 years old. Obviously, proud si Sharon sa mga narating ni Goma.

Lalo na kunsaan, ang location ng Three Words to Forever ay sa Ormoc. Nakita niya kung gaano ang ginanda ng lugar at kung paano raw si Richard as Mayor of the City.

Kahit noong sila pa raw, nakita na rin niya na magiging successful talaga ito. Kahit pa na ang sasakyan daw nito ma pang-date nila ay L300.

three-words-to-forever

“My god, I always thought he would become successful kasi bata pa lang kami masinop na ‘yan. Yung investments niya bahay, paintings, yung iba ang inuuna, sports car.”

By next week, makikita na nga natin kung yung chemistry ng dalawa, kahit sabihin pang pareho silang happily married with their own family ay nandoon pa rin.

Kasama rin sa movie sina Liza Lorena, Tommy Esguerra, Joross Gamboa at Kathryn Bernardo and directed by Cathy Garcia-Molina.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s