Rocco, walang isyu kahit may mga hate comments na natatanggap; netizens galit na galit sa kanyang role

Ni: Rose Garcia

NAGAGALIT ngayon ang ibang netizens sa Kapuso actor na si Rocco Nacino.

Ang dahilan, ang panlolokong ginagawa niya kay Carla Abellana na misis niya sa Pamilya Roces.

Nambabae kasi si Rocco at ang babae niya, ang mismong kapatid pa ni Carla na si Sophie Albert.

Ilan sa mga hate comments kay Rocco ay ang lantarang pagsasabi na, “masama ka!,” “Itali mo sa puno na nakahubad, lagyan mo ng hantik!”

carla rocco

Dalang-dala ang ibang viewers kay Rocco pero, wala raw isyu rito kahit may mga hate comments siyang natatanggap.

Sabi ni Rocco, “Kesa matakot ako sa comments ng mga viewers, mas tine-take ko ito positively kasi ibig sabihin nun, affected sila. Actually, may mga nagsasabi talaga sa akin na ang sama-sama ko raw. I’m sure naman, hindi naman sila sa akin galit, ang galit sila, sa character ko, si Hugo.”

Sa totoong buhay, loyal naman daw siya sa girlfriend na si Melissa Gohing.

“Hindi ko naman ikagagaling kung maapektuhan ako sa iisipin sa akin ng tao. I know I’m doing my job well kaya balewala sa akin ang sasabihin ng ibang tao.”

sophie rocco

Bilib na bilib naman daw si Rocco sa dalawang leading ladies niya na sina Carla Abellana at Sophie Albert.

Si Carla raw, habang tumatagal, mas lalo pang gumagaling while si Sophie naman, nahigitan pa ang expectation niya rito.

Aminado rin si Rocco na hindi talaga naluluma ang tema ng infidelity sa mga teleserye. Iba talaga ang hatak nito sa viewers.

Posible raw kasi na marami ang nakaka-relate o may mga viewers na may mga kakilala o kaanak o kaibigan na dumadaan sa ganitong situwasyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s