Keempee, masaya na sa Kapamilya network at kasama rin sa Christmas Station ID

Ni:  Ruel Mendoza

ISA kami sa natutuwa na maraming trabaho na sa TV ang aktor na si Keempee de Leon.

Since lumipat siya sa ABS-CBN 2, hindi na siya nababakante at makikita ang kasiyahan niya sa mga post niya sa social media.

Kelan lang ay pinost niya ang pagkakasama niya sa Christmas Station ID ng Kapamilya network kasama niya ang buong cast ng teleseryeng Nang Ngumiti Ang Langit.

Sa latest post ni Keempee sa Facebook, happy ito na papunta sa kanyang taping location:

“Early Bird at the location arrived before 5am, but our call time is at 7am😊It’s all good😁#WorkDay #TapingDay #ThankyouJesus🙏😊 #FamilyIsLove😊❤”

Maaliwalas ang mukha at mas guwapo ngayon si Keempee. Obvious na masayang-masaya na ito dahil tuluy-tuloy ang mga trabaho niya.

Natatandaan namin sa isang interview kay Keempee ay malungkot ito dahil hindi na ito nakabalik sa Eat Bulaga kunsaan gustung-gusto niyang mag-host. Pero two years na raw ang magdaan at clueless pa rin daw si Keempee kung bakit tinanggal siya sa Eat Bulaga.

Inamin din ni Keempee na dumaan siya sa matinding depression dahil sa pagkawala niya sa Eat Bulaga. May pinag-aaral pa kasing anak si Keempee at naging bread and butter niya ang EB kapag wala siyang teleserye.

Mabuti na lang daw at nabibigyan siya ng trabaho sa mga teleserye ng GMA. Hanggang sa tanggapin na niya ang lumabas sa ABS-CBN 2.

Sana ay bigyan din ng chance si Keempee na kumanta sa ASAP dahil sayang ang magandang boses nito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s