Joyce Pring, na-feature sa New York-based magazine; naging open na pag-usapan ang amang si Joe Pring

Ni:  Ruel Mendoza

NA-FEATURE sa isang New York-based magazine na The Fil-Am ang Kapuso TV host na si Joyce Pring.

Sa naging feature niya sa magazine, naging open ito na pag-usapan ang kanyang ama, ang kontrobersyal na police officer na si Joe Pring.

Nabanggit ni Joyce na hindi niya nakilala ng husto ang kanyang ama dahil 2-years old lang daw siya noong mamatay si Joe Pring in 1994.

“Honestly, I did not know him. All I know is that he was a very valiant man, a man of honor and of great courage,” sey ni Joyce na ang alam lang sa kanyang ama ay isa itong mahusay na law enforcer.

Ginawang pelikula noon ang buhay ni Joe Pring na pinagbidahan ni Phillip Salvador in 1989.

Lumaki raw si Joyce at ang kanyang kapatid sa kanilang stepfather na si Chandro Uttamchandani na isang Fil-Indian.

“He and my mom got together when I was 5-years old. My step dad is my hero,” sey ni Joyce na tinuring sila bilang tunay na mga anak.

Hindi raw sila nagkaroon ng kapatid sa kanilang stepfather kaya tinutukan sila ni Chandro sa pag-alaga sa kanila hanggang sa makatapos sila ng pag-aaral.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s