Entrepreneur Wilbert Tolentino, ayaw na makatrabaho muli si Mader Sitang

Ni: Throy Catan

SOBRANG disappointed ang Filipino producer na si Wilbert Tolentino sa Thai Internet personality na si Mader Sitang.

Nag-umpisa ang away noong hindi pumayag si Mader Sitang na pirmahan ang kanyang kontrata at sa kanyang perfume at beauty line niya. Pipirmahan lang daw niya ang kontrata kay Wilbert sa halagang 30 Million Pesos para daw sa kanyang bahay at opisina  sa Thailand.

Kahapon, November 23, nakausap namin si Wilbert tungkol sa diumano pangloloko ni Mader Sitang sa kanya. Anya: “Actually, parang sindikato siya. Parang pinagtripan ako. Parang naghahanap siya ng malaking isda na may makuha sa kanya, so, which is ako ang isa sa mga nabiktima niya”.

Nalungkot si Wilbert sa mga nanyari dahil pinaganda pa niya raw ang image ni Mader para sa kanyang Filipino fans, “So, nagpagawa siya ng product sa akin. Ginawa ko siya ng magandang image since naman maganda naman ang profile niya. Akala ko po na since may edad na siya. Legendary na siguro ito kaya bigyan na natin siya ng magandang imahe. Ginawan ko siya ng endorsement with a cause.” Sabi niya.

In-explain din ni Wilbert ang iba pang pangyayari bago nagreklamo ng estafa laban kay Mader, “It turns out na lahat ng product na pinagawa ko tapos… parang gusto niya magpa-request ng five years contract. Pinapunta pa niya ako sa Thailand… Unfortunately, [habang kami ay nag-uusap] pinaalis niya muna iyung Pinoy na best friend niya na interpreter para walang Pinoy na humarang sa mga gusto niyang demand sa akin. Nag-start siya sa 2 Million Baht, tapos naging 8 Million, tapos naging 20 pagdating doon.” Deklara niya. 20 Million Baht ay katumbas na higit sa 30 Million Pesos.

Matatandaan natin na dumating si Mader Sitang last month para sa kanyang Metro Manila tour. Inanunsyo rin ni Wilbert noong ang perfume line ni Mader at posibleng collaboration sa isang pelikula with Vice Ganda.

Si Mader Sitang ay nag viral sa mga nakakaaliw niyang videos kung saan sumasayaw siya habang hine-hair-flip ang kanyang straight long hair.

Si Wilbert Tolentino naman ay dating nanalo bilang Mr. Gay World-Philippines 2009 at ngayon ay founder/president ng Web Marketers Specialists Association of the Philippines o WEMSAP. Siya rin ang may ari ng H&H Make Over Salon kung saan ginanap ang press conference nung dumating si Mader Sitang sa Pilipinas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s