Vince Vandorpe, nakaranas ng racial discrimation habang lumalaki sa Belgium

Ni: Ruel Mendoza

Inamin ng bagong Kapuso actor na si Vince Vandorpe na nakaranas siya ng racial discrimation noong lumalaki siya sa bansang Belgium.

Ipinanganak at lumaki sa Brussels si Vince. Belgian ang kanyang ama at Pinay na taga-Dumaguete City ang kanyang ina.

Habang lumalaki raw siya ay kinukuwestiyon siya ng mga kaedad niyang bata kung bakit iba ang hitsura niya.

“When I was a kid, medyo singkit po ako tapos I have black hair. Mga kids kasi sa Belgium, they have light brown hair.

“So they always tease me for being different. They tell me that I don’t belong in Belgium because I look so Asian.

“As a kid, medyo masakit iyon kasi they tease me a lot for my looks. Hindi naman ako nakikipag-away or umiiyak kapag umuwi ako. I just went on my own way.

“Laging sinasabi kasi ng mother namin na huwag kaming makipag-away kasi hindi tama iyon,” diin ni Vince.

gaya boys

Noon daw ay ang alam lang na language ni Vince ay French at Dutch dahil pinagbabawalan sila ng kanilang ama na magsalita ng Tagalog sa bahay nila.

Pero noong nagbabakasyon sila yearly sa Dumaguete City, natuto si Vince na magsalita ng bisaya.

“Noong bata ako, I can speak and understand Bisaya. Kapag nagbabakasyon kami yearly sa Pilipinas, I learn a few Tagalog words from time to time.

“Hanggang dumating ang time na I wanted to stay longer sa Pilipinas, I have to learn to speak Tagalog fluently.”

Pinasok ni Vince ang modeling at marami siyang nagawang TV commercials bago siya pumasok sa pag-aartista.

“My first teleserye was ‘Meant To Be’ in 2017. Kami ‘yung group na kalaban nila Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj and Ivan Dorschner. Kontrabida kami nila Matthias Rhoads, Carl Cervantes at Dave Bornea.

“It was good experience to do my first TV show then. Now I’m part of ‘Cain at Abel’ as the brother of both Dingdong Dantes and half  brother to Dennis Trillo.”

Ka-partner ni Vince sa Cain at Abel ay si Pauline Mendoza.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s