Pauline, walang alam o nagmamaang-maangan lang sa paghihiwalay nina Bianca at Miguel

Ni: Ruel Mendoza

EITHER magaling lang mag-maang-maangan o walang alam ang Kapuso teen actress na si Pauline Mendoza tungkol sa balitang naghiwalay na raw sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Pagkatapos daw kasi ng kanilang teleserye na Kambal, Karibal ay doon na kumalat ang balitang hiwalay na ang dalawa at may iba nang karelasyon.

Si Kyline Alcantara na raw ang nababalitang girlfriend ni Miguel at si Ruru Madrid naman ang nababalitang boyfriend ni Bianca.

Ayon kay Pauline, hindi raw sila madalas magpalitan ng text messages nila Miguel at Bianca kaya nagulat din daw noong may mga nagtatanong na sa kanya tungkol sa hiwalayan ng BiGuel loveteam.

“After po kasi ng Kambal, Karibal, may mga kanya-kanya na kaming mga lakad at trabaho.

“Bihira po ang communication naman. Nagkikita lang po kami kapag nagkakasabay kami ng guestings sa GMA shows.

“Eh, hindi naman po ako matanong sa kanila. Kaya wala akong masyadong alam talaga,” diin pa ni Pauline.

Kung totoo nga raw na hiwalay na sina Miguel at Bianca, isa sa manghihinayang ay si Pauline.

“Sana po hindi totoo na wala na ang BiGuel loveteam. Kasi saksi po ako sa suporta ng maraming fans nila.

“As in, kapag may mall show kami, nandiyan sila para sa dalawa.

“Tsaka sayang naman po ang ilang taon na pinaghirapan nila para mabuo ang loveteam nila,” pagtatapos pa ni Pauline na mapapanood sa bagong GMA Primetime teleserye na Cain At Abel.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s