Maine, hindi na talaga itinatago na nakakasama si Arjo

Ni:  Rohn Romulo

FINALLY,  may lumabas na rin na malinaw na photo na magkasama sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Sa IG account ni JM Rodriguez, kasama nga niya ang lovely couple at nakalagay sa post na, “One Love ❤ my good friend @mainedcm and my cousin @arjoartayde #dimples.”

Kuha ang naturang photo sa sikat na bar na XYLO at The Palace.

At dahil sa paglabas nito lalo pang na-confirm na may relasyon na ang dalawa at parang deadma na makita silang magkasama sa isang lugar.

Marami naman ang unti-unti nang nakatatanggap na mga ginagawa ni Maine na para sa iba ay tama lang na i-enjoy niya ang kanyang life, sabi nga, kung saan siya masaya, ‘di doon siya.

Hindi rin naman masama na mag-enjoy dahil work to death naman si Maine, katatapos na lang nila ang movie na Jack Em Popoy: The PulisCredibles na mapapanod na sa December 25.

jm, maine & arjo

Daily pa rin siyang nagho-host sa Eat Bulaga at may sitcom din sila ni Bossing Vic Sotto every Saturday night.

Kung pagwawalwal ang sinasabi ng ilang netizens sa tuwing makikita siya bar, hindi naman siguro masamang mag-unwind lalo kung Saturday night dahil wala naman siyang trabaho ‘pag Sunday.

Nakikita naman namin si Maine sa EB at okey naman ang pagho-host, energetic at bubly pa rin siya, sa loob man ng Broadway o sa labas.

Paminsan-minsan ay nagkakatanungan pa rin sila ni Alden sa segment na ‘Juan For All, All For Juan’ at mukhang okay na okay naman sila.

Kaya ‘yun mga fans nila na tunay na nakakaintindi sa happiness ng kanilang mga idolo ay masaya na rin sa tuwing mapapanood sa Eat Bulaga.

So, hayaan na lang natin na maging masaya ang personal na buhay ni Maine, and hopefully makatagpo rin si Alden na kanyang mamahalin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s