Gender reveal ng second baby nina Marian at Dingdong, inaabangan na at posibleng ‘boy’ naman

Ni: Rose Garcia

LEFT and right talaga ang mga endorsements ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Katatapos lang halos nang i-launch niya ang Kultura x Marian Rivera na mga disenyo niyang pearls, heto’t days after, panibagong produkto na ine-endorso na naman ang bagong pina-presscon, ang Mega Prime.

Hands-on pa rin si Marian sa bagong ine-endorso which is, a new product of Mega Prime, ang Tropical Fruit Cocktail. Si Marian mismo nag-demo kung paano makakagawa ng ilang dessert lalo na ngayong Kapaskuhan gamit ang Mega Prime products, partikular na nga ang Tropical Fruit Cocktail.

Ang maganda talaga kay Marian, sakto rin sa kanya ang mga ine-endorsong produkto tulad ngayon dahil talaga namang mahilig itong magluto at mag-bake.

Kumbaga, in-terms of credibility as endorser, meron siya nun.

marian r

Anyway, nalalapit na ang gender reveal nilang mag-asawa na si Dingdong Dantes sa second baby nila which is, either on the day or before the birthday of Zia.

Eh, sa Japan sila magse-celebrate ng 3rd birthday ni Zia bilang request nang huli ang Tokyo, Disneyland. So, malamang bago sila umalis mangyari ang gender reveal.

Na ang lakas ng kutob namin na it’s a boy.

So, kung sakali, hindi man perfect dahil wala namang perfect, pero parang close to perfect na talaga ang buhay ni Marian ngayon.

Happy family, then, ang mga programa niya ay nangunguna sa ratings tulad na lang ng Sunday PinaSaya na consistent top-raters at ang kanyang Tadhana at heto nga, puwedeng-puwede nang tawagin na “Queen of Endorsements” sa rami.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s