Christian, malaking challenge na maging bida sa isang rom-com movie; sekretong sangkap sa pag-ibig mabubunyag na

Ni: Rohn Romulo

MABUBUNYAG na ang sekretong sangkap para sa tumibay ang isang relasyon sa pinakabagong handog ng Regal Entertainment, Inc. ang Recipe For Love na pinalalabas ngayon sa mga sinehan sa buong bansa.

Pinagbibidahan ito ng multi-awarded actor na si Christian Bables at ang ex-housemate ng Pinoy Big Brother Lucky 7 na si Cora Waddell.

Malaking challenge ito kay Christian na unang nagpamalas ng husay sa pag-arte sa 2016 critically-acclaimed film Die Beautiful na kung saan gumanap siya na trans cross-dresser na si Barbs.

christian-cora

Nanalo si Christian ng Best Supporting Actor trophies sa 2016 Metro Manila Film Festival, wagi rin siya sa 40th Gawad Urian at 35th Film Academy of the Philippines Luna Awards.

Kamakailan naman ay siya rin ang pinarangalan ng Best Main Actor sa 2018 Hanoi International Film Festival para naman sa Signal Rock na napiling Philippines entry sa 2019 Oscars Awards.

Masuwerte rin si Christian dahil bahagi siya ng pinag-uusapang primetime teleserye na Halik ng ABS-CBN.

Samantala, dahil chef ang role niya sa Recipe for Love na mula sa direksyon ni Joey Javier Reyes nag-aral talaga siya kay international chef Reggie Aspiras kung ano ang tamang galaw ng pagiging isang tunay na chef.

christian b

Nag-undergo ng training for almost two months mula sa sikat na chef para matutunan niya kung paano maging mahusay na professional chef sa isang high-end restaurant at makilala niya ang siang sikat na food blogger (Cora) na naghahanap ng best recipe na in the end magkaka-inlaban.

“Hindi malayo sa akin. I must say yung sense of humor ko malakas din naman talaga.

“Hindi naman ako nangapa sa pagbitaw ng punchlines at nilagyan ko siya ng ng puso gaya sa lahat ng character na ginagawa ko,” pahayag pa ni Christian.

Kasama nila sa movie sina Enrico Cuenca, Sophie Albert at Myrtle Sarrosa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s