Sanya, napangiti lang nang makarating na type siyang ligawan ni Renz; ‘di makapaniwalang kasama na sina Dingdong at Dennis

Ni:  Ruel Mendoza

NAPANGITI lang ang Kapuso actress na si Sanya Lopez nang makarating sa kanya na type siyang ligawan ni Renz Fernandez.

Kasama rin sa cast ng Cain At Abel si Renz at nagkasama na sila ni Sanya sa isang eksena pa lang sa naturang teleserye.

Ayon kay Renz, nagagandahan at naseseksihan ito kay Sanya at kung liligawan niya ito, gusto niyang mas makilala pa ito muna.

Medyo kinilig si Sanya na isang certified na NBSB or No Boyfriend Since Birth.

Dennis Trillo and Sanya Lopez (2)

Wala naman daw problema kung susubukan siyang ligawan ni Renz.

“Sino naman ba ako para tumanggi o huminde sa plano niyang manligaw sa akin, ‘di ba?

“Ang guwapo kaya ni Renz at mabait pa.  Pero ayokong umasa. Siguro mas maganda na maging magkaibigan muna kami.

“Since magkakasama kami sa iisang teleserye, I think it’s good na we bond muna as co-workers, magkaibigan and tingnan natin kung saan pa mapupunta iyon,” ngiti pa ni Sanya.

Isa kami sa natutuwa sa mabilis na pag-asenso ni Sanya bilang isang leading lady. Three years ago ay gamit niya ang pangalan na Shay Roberto sa afternoon teleserye na The Half-Sisters at ang ka-partner niya roon ay si Buboy Villar.

Renz Fernandez (1)

Ngayon ay maituturing na siyang primetime leading lady at kasama na niya ngayon bilang leading men ang dalawang hari ng GMA-7 na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

“Sino ang makakapagsabi, ‘di ba? Ako mismo, hindi makapaniwala na umabot na ako sa makasama ko sa isang teleserye sina Dingdong at Dennis.

“Nagsimula lahat kay Buboy talaga at binabalik-balikan ko iyon. From The Half-Sisters dumating ang ‘Encantadia’, sumunod ang ‘Haplos’ at ngayon ‘Cain at Abel’.

“Everyday nagpapasalamat ako sa Diyos sa pag-guide sa career ko na isang pangarap lang noon.

“At maraming salamat sa GMA-7 sa malaking tiwala na binigay nila sa aming lahat sa Cain at Abel,” pagtatapos pa ni Sanya Lopez.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s