Pauline, looking forward sa pagtanggap sa kanila ni Vince; itinangging nililigawan ni Jeric

Ni:  Ruel Mendoza

Pauline Mendoza (2)

BINIGYAN ng ka-loveteam ang Kapuso teen actress na si Pauline Mendoza at ito ay ang model-turned-actor na si Vince Vandorpe.

Magsasama sila sa teleserye na Cain at Abel.

Looking forward naman daw si Pauline na maging maganda ang pagtanggap ng mga fans niya sa pag-partner niya kay Vince who is half Pinoy and half-Belgian.

“May mga nagsabi sa akin kung bakit ko pa raw kailangan magkaroon ng loveteam, eh kaya ko naman daw na mag-solo especially after ‘Kambal, Karibal’.

“Pero gusto ko rin po. Para maiba naman po ang role na gawin ko. Gusto ko rin kasi ‘yung kikiligin ako!” tawa pa ni Pauline.

Wala pa raw silang nakukunan na eksena ni Vince sa Cain at Abel pero nagkakilala na raw sila noong mag-pictorial ang buong cast ng serye.

Vince Vandorpe (1)

“Nagkausap na kami and Vince is very nice. He’s eager to learn more. One teleserye pa lang ang nagawa niya at iyon ay ‘yung Meant To Be.

“Ang maganda ay marunong na siyang magsalita ng Tagalog kaya hindi na siya mahihirapan kapag may mga eksena na kami,” ngiti pa ni Pauline.

Itinanggi naman ni Pauline ang balitang nililigawan siya ng Kapuso hunk na si Jeric Gonzales. Itinanggi rin nito na nag-date sila minsan.

“Hindi po totoo iyon. Magkaibigan lang po kami ni Jeric. Never po kami nag-date ni Jeric. Baka po ‘yun ang time na lumabas kaming buong cast ng ‘Kambal, Karibal’. Never kaming lumabas na kaming dalawa lang.

“Tsaka alam po ni Jeric na hindi ako nagpapaligaw pa. I want to concentrate sa career ko po. Marami pa akong mga dreams na gustong matupad kaya wala pa akong interes na magkaroon ng boyfriend,” pagtapos pa ni Pauline Mendoza.

Jeric Gonzales

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s