Marian, bilib na bilib sa magagaling na writers ng ‘Sunday PinaSaya’ kaya walang binago, nagdagdag lang ng segment

Ni: Rose Garcia

NAKAUSAP namin ang in-charge sa production at Triple A President na si Rams David sa kung paano nila hina-handle o pinaghahandaan ang tapatang magaganap ngayong Linggo sa Sunday PinaSaya at ASAP.

Bilang balitang-balita nga na magkakaroon ng reformat sa ASAP. May mga natsugi na at may mga pagbabago raw. Pero ayon kay Rams, sila naman daw sa SPS na nanatiling number one sa rating ay wala naman daw mga pagbabagong gagawin.

marian & rams

Sabi nga niya, “Walang gagawing pagbabago. We will still continue to give funny sketches, funny gags. Eight segments ‘yan every Sunday na nakakatawa with all our 20 plus hosts.

“Kung ano ang ginawa namin noong 2015, yun pa rin pero siguro iimprove lang.”
Pero mukhang kaabang-abang ngayong Linggo dahil babalikan ng SPS ang mga past hits ng GMA sa comedy shows. “Magpapatikim kami ng patawa ng ganung flavor.”

Kahit ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang makausap naman namin, kitang-kita mo rito kung gaano kabilib sa mga writers nila nang tanungin namin kung nag-i-input din ba siya pagdating sa comedy.

Sey niya, “Hindi, ang gagaling ng mga writers namin.”To which is, oo nga naman.

marian r

Masaya naman si Rams na simula nga nang simulan nila ang SPS nagagawa nila ang goal nila sa show, ang magpasaya ng mga manonood here and abroad.

“It’s a brand of comedy na sa Sunday PinaSaya mo lang makikita,” may diin niyang pahayag.

Tingin naman namin, ang isa rin sa epektibo talaga sa SPS, talagang magkahalo ang mga entertainer at performer na pagdating sa pagpapatawa, wagas ang mga ito at walang inhibition na nakikita rin ng audience.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s