Janno, nag-react sa hindi pagkakasama sa Christmas Station ID ng Dos

Ni: Rose Garcia

NAKAUSAP o kinausap na ng ABS-CBN o ASAP si Janno Gibbs ngayon pagkatapos ng Instagram post niya noong Linggo na ipinost nito ang picture nang pagpirma niya sa Star Music ng kontrata at may caption na, “Throwback toi Sept. 12 this when I signed w @starmusicph. Naalala ko lang. Sila yata di ako naalala e.”

Saka niya sinundan ng laugh emoticon at peace sign. At mga hashtags na #wagnyokohanapinsastationid #lakipanglohgosalikod.

Pero mukhang dinilete niya ang unang hashtag na asapnilayan, huh!

‘Yun nga lang, maaaring by this time, although may ilang netizen na nabasa naming nagku-comment sa post niya at nakiki-simpatiya sa singer, mas marami ang tila “naloka” sa post ni Janno.

Lalo pa nga at kailan pa lang naman siya pumirma, officially two months pa lang. Sinasagot ni Janno halos lahat nang nagko-comment sa kanya.

Tila ang ipinaglalaban ni Janno sa post niya na walang kaso sa kanya ang maghintay kung kailan siguro magkaka-project o album, pero ang kinukuwestiyon niya, ang hindi niya pagkakasama sa Christmas Station ID dahil katwiran niya, since he’s a Star Music contract artist na, dapat parte na rin siya sa station ID ng network.

Sa personal naman na pagkakaintindi namin, ang alam namin hindi automatic yun lalo pa nga’t iba naman ang network contract ka talaga.

Nag-reply si Janno sa nagsabing mag-wait na lang sana ito nang, “Ok lang po ung waiting projects. No prob po un. Ang sa akin lang alam ko ‘pag Star Records artist na, kasama sa station ID nila kahit walang TV show.”   Anyway, dahil sa post na ito ni Janno sa Instagram, marami pa pala ang hindi aware na wala na na si Janno sa pangangalaga ng talent manager na si Perry Lansigan ng PPL Entertainment, Inc.

Kahit kami mismo, ilan ang nagtanong sa amin kung ano raw nangyari kay Janno at bakit nag-post nang ganun. Kaya sa kaalaman ng lahat, ilang buwan na rin at bago pa ito mag-signed-up sa Star Music na wala na sa mga talents ng PPL.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s